Kaluluwal na baby, natagpuan sa CR

ISANG KASISILANG na sanggol ang natagpuan sa palikuran sa bayan ng Baggao, Cagayan kahapon ng umaga.

Sa salaysay ng dalagang si Jaysel Balacano, pasado alas-9 ng umaga nang kanyang matagpuan ang sanggol na babae sa kasilyas.

Sinabi nito na nakiihi siya sa isang lumang bahay na pag-aari ni Junior Estrada at ikinagulat ang biglang pagpalahaw ng sanggol na noo’y hindi maayos ang pagkakaputol ng pusod.

Dito, kanyang ipinagbigay-alam sa kanyang ama ang natagpuang bata.

Dinala sa Baggao Municipal Health ang sanggol subalit dahil kulang sa pasilidad gaya ng incubator ay dinala ito sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.

Samantala, sinabi ni C/Insp. Rafael Pagalilauan, hepe ng Baggao PNP na isang college student sa lugar ang hinihinala nilang nagtapon ng sanggol at posibleng kasuhan ng Frustrated at Attempted Infanticide.      (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.