Kalsada Ginawang Terminal

NAGREREKLAMO ANG mga residente, commuters at pedestrian sa nagsisikip na daanan sa lugar ng Bustamante St., Brgy. 86 dahil ginagawang terminal ng mga public utility jeep (PUJ) na may basbas umano ng Reformed Department of Public Safety ang Traffic Management (RDPSTN) ng Caloocan City Hall.

Base sa ipinarating na reklamo ng mga commuter at concerned citizen sa Pinoy Parazzi, ang nasabing terminal ay mga biyaheng Sto. Nino via Monumento, via Balintawak, via Sta. Maria, via Malinta Exit, at via Meycauyan na umano ay may “cashsunduan” sa pagitan ni Brgy. Chairman Yuson at namamahala sa terminal.

Ang nasabing lugar ay nasasakupan ni Brgy. Chairman Yuson na ayon sa source, ang kanyang mga barangay tanod pa umano ang nagsisilbing barker at taga-bantay sa terminal.

Kaugnay nito, nanawagan ang mga residente kay Mayor Recom Echiverri na bigyang-pansin ang kanilang reklamo sa mga iligal na terminal sa Bustamante at Benin Sts. dahil halos hindi na makaraan ang mga pribadong sasakyan dahil nakaharang ang mga nakaparadang PUJ.

(ROMAN MAGPOC)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.