Kaligtasan ng Media sa CALABARZON, ‘Di Kayang Pangalagaan ng Pulisya

RIZAL – NILINAW NI Calabarzon Regional Police Office director P/C. Supt. Samuel Pagdilao na hindi kayang pangalagaan ng kapulisan ang seguridad ng mga mamamahayag sa rehiyon, sa isang open forum matapos na lagdaan ang PNP-Media Protocol on crisis sa punong tanggapan ng PRO-4 Police Office.

Sinabi rin ni Pagdilao na bagama’t pinipilit nilang mabantayan ang mga mediaman, kulang naman sila sa puwersa para gawin ito, kung saan ang ratio na 1 to 1000 ay hindi pa rin mapunan.

Gayunman, pinayuhan ang mga mamahayag na doblehin ang pag-iingat at sakaling makatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay, agad na maki-pag-ugnayan sa kanyang tanggapan para mabigyan ng police protection.

Pinangunahan ni Gen. Pagdilao ang paglagda sa mga dapat na gawin ng mga mamamahayag saka-ling dumating ang krisis, kagaya ng Grandstand Hostage drama, kasama ang sumulat ng balitang ito at ilang media organization sa bawat lalawigang sakop ng CALABARZON.

Nangako rin ang heneral na tutulungan ang mga media gunholder na mapadali ang proseso ng kanilang aplikasyon para sa permit to carry na naka-binbin sa Firearms and Explosive Division sa Camp Crame.                                               (GIGI CONVOCAR)


Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.