Kaligayahan ni mister, pinutol ni misis

WALA NA ang kaligayahan ng isang mister makaraang putulin ang kanyang sariling misis ang kanyang ari sa loob ng isang motel sa Pasay City kamakailan.

Kasalukuyang nakaratay sa Pasay City General Hos¬pital ang biktima na naki¬lalang si Rodolfo del Rosario, 51, at residente ng Tondo, Maynila habang kinilala nito ang salarin na si Radina, 34.

Base sa report ng Pasay City Police-Station Investigation and Detective Management Section, dakong alas-11:30 kamakailan ng gabi nang mag-check-in ang mag-asawang Del Rosario sa Room 3 ng Galaxy Lodge na nasa Taft Avenue, Pasay.

Ayon sa testigo na si Nestor Daganato, roomboy, dakong alas-12:20 ng madaling-araw nang lumabas sa silid si Radina na agad namang sinundan nang nagsisigaw at hubo’t hubad na si Rodolfo na tinatakpan ng duguang bedsheet ang ari at humingi ng saklolo para maisugod sa ospital.

Sa halip na tulungan ang biktima, sinundan umano ni Daganato ang ginang na nakasakay na agad ng taxi.

Sinabihan naman nito na magbihis umano ang biktima at iniwan ngunit nang bumalik siya sa silid ay nakaalis na ito at mag-isang isinugod ang sarili sa pagamutan.

Nabatid na nagtalo umano ang mag-asawa sa loob ng kuwarto ukol sa akusasyon ng ginang sa pambababae ng biktima na itinanggi naman nito.

Nang makatulog dahil sa matinding kala¬singan, dito na sinamantala ng suspek na putulin ang kaligayahan ng mister gamit ang hindi mabatid na patalim.

Sa ngayon, wala nang remedyo na maibalik pa ang naputol na pagkalalaki ng biktima dahil sa nawawala na ang parte na pinutol ng sariling misis.

Samantala, nabatid na nang balikan ng mga imbestigador ang nasabing kuwarto na tinuluyan ng mag-asawa, nilinis na ito ng mga roomboy at may iba nang naka-check-in.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.