Kalidad ng Produktong Navoteño, Iniangat

TINIPON NG lokal ng pamahalaan ng Navotas ang mga maliliit na negosyante ng bagoong sa lungsod upang dumaan sa isang libreng seminar na naglalayong itaas ang kalidad ng kani-lang produkto kamakailan.

Pinangunahan ng Navotas Hanapbuhay Center na itinatag ni Mayor John Rey Tiangco noong 2010 o unang taon ng kanyang panunungkulan upang tutukang mabuti… ang aspeto ng kabuhayan ng mamamayang Navoteño.

Binubuo ng 5 unit ang nasabing center: Tulong Produkto, Tulong Trabaho, Tulong Kooperatiba, Tulong Negosyo at Tulong Puhunan.

Ang nasabing seminar na nasa ilalim ng Tulong Produkto sa ilalim ng pamamahala ni G. Allan Catarus ay may titulong “PROmoting Food Industry Competitiveness Training Program” na inihanda ng University of the Philippines – Institute for Small-Scale Industries.

Ani ni Mayor Tiangco, “binubuo na ang plano ng lokal na pamahalaan na ayusin ang dayukan ng alamaang sa Barangay Tangos, Bagumbayan North at Bagumbayan South upang masiguro ang kalinisan ng gawaan ng bagoong dito.”

Ang bagoong ang isa sa pinakakilalang produkto ng lungsod bukod pa sa patis at mga sariwang isda na binabagsak sa sentro o pinakamalaking fish port sa Manila, ang Navotas Fish Port.

Susunod nang isasaayos ang seminar upang madevelop ang mga bagong produkto ng lungsod na malunggay noodles ng Barangay Tanza, dried fish ng Barangay Sipac-Almacen, processed meat ng Brgy. Daanghari at fish embutido ng Barangay Bangkulasi sa Hulyo 19 at 20 ngayong taon.

Ang mga nasabing produkto ay dumaan na din sa product development and marketing training ng Department of Trade and Industry at Department od Sciece and Technology nang isagawa ang unang Search for Outstanding One Barangay One Product sa lungsod noong 2011.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.