Kalaswaan sa Caloocan, walang tigil

PATULOY UMANO ANG pagpapalabas ng malaswang panoorin at pagbebenta ng panandaliang-aliw ang mga guest relation officer (GROs) ang mga beer houses sa Caloocan City na umano ay walang ginagawang aksiyon ang tanggapan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri.

Sa kabila ng pagbatikos ng mga concerned residents, samahang sibiko at non-go-vernment organizations (NGOs) laban sa mga bahay-aliwan na pugad ng kalaswaan, wala

umanong ginagawang kaukulang aksiyon ang Caloocan City Hall.

Ayon sa mga nabanggit, ang Kirrie, Show Time (ST) 1 at 2, Silip, Secret at Hide Away ay mga beerhouse, kung saan ang mga kababaihan ay hayagang naghuhubad sa harap ng customer at nagpapalabas ng torohan, habang ang mga GROs ay nakikipag-sex kapalit ng salapi sa VIP rooms.

Sinabi pa ng mga ito, hinahayaan umano ni Mayor Echiverri ang operasyon ng mga nasabing beerhouse na siyang ugat ng pagkalat ng iba’t ibang uri ng venereal diseases.

Idinagdag pa ng mga source, ang Kirrie ay pag-aari umano ng isang Intsik na may kasosyong reporter kaya hindi mabuliglig ng mga kinauukulan, bukod pa umano sa pagbibigay ng lingguhang payola sa mga awtoridad.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.