Kalansay ng Dinukot ng NPA, Nahukay sa CamNorte

MATAPOS ANG halos siyam na taon, nakuhay na ng militar ang isang lalaking umano’y dinukot at pinaslang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Sitio Santol, Capalonga, Camarines Norte pasado alas-7:20 kahapon ng umaga.

Sinabi ni Lt. Col. Michael Buhat, commanding officer ng 49th Infrantry Batallion (IB) Philippine Army na isang dating rebelde ang nagturo sa kanila sa pinag-libingan sa biktimang si Juanito Hirang na nawala noong Hulyo 27, 2004.

Kalansay na nang mahukay si Hirang na pinaniniwalaang pinaslang sa pamamagitan ng saksak at pagpukpok ng matigas na bagay sa ulo nito.

Nilinaw naman ng militar na walang koneksyon sa kanila si Hirang su-balit maaari umanong may ginawa itong hindi nagustuhan ng mga rebelde kung kaya pinatay.

Samantala, maliban naman sa biktima, may dalawang tao pa silang pinaghahanap na inilibing din sa kaparehong lugar na dating kuta ng mga NPA.

Sa ngayon, labis-labis ang pagdadalamhati ng asawa at anim na anak ng biktima sa sinapit ng kani-lang padre de pamilya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.