Kalansay na naka-bra, natisod ng mag-uuling

KINILABUTAN ANG isang mag-uuling makaraang ma-tisod ang kalansay ng isang tao sa bulubunduking bahagi ng Barangay Agdahon, Cuartero, Capiz.

Kinumpirma ni Insp. Leomendo Tayupon, hepe ng Cuartero police station na ang nasabing kalansay ay posibleng pag-aari ng isang babae dahil sa suot nitong bra.

Inihayag ni Tayupon na nakita ng mag-uuling ang nahulog na bungo ng kalansay mula sa bangin kung saan ito inilibing.

Ayon pa kay Tayupon, maaaring mababaw lamang ang pagkakalibing ng bangkay kaya ito ay nahukay sa pamamagitan ng tubig-ulan at mga hayop sa paligid.

Naniniwala ang mga pulis na mahigit isang taon na ring nakalibing ang bangkay dahil hindi na ito makikilala at bulok na rin ang suot na damit.

Pinaniniwalaan naman ng mga residente sa lugar na posibleng kalansay ng isang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang natagpuan dahil madalas dumaraan ang grupo sa nasabing barangay.

Ipinadala na sa Roxas City crime laboratory ang kalansay upang malaman ang pagkakakilanlan nito.

(EUNICE CALMA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.