Kalalabas lang ng Kulungan, Pinatay sa Ratrat

PATAY ANG isang 25-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa Quezon Boulevard sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ng pulisya ang nasabing biktima na si Chono Vic Lagrimas, residente sa nasabing lugar.

Base sa report ng Manila Police District (MPD), kalalabas lang ng kulungan ng biktima noong Nobyembre dahil sa kaso ng snatching.

Ayon naman kay Alfred De Vera, parking attendant, may humahabol na lalaki sa biktima at nang abutan ito ay pinagtatadyakan at saka pinagbabaril.

Nagtamo ng mga tama sa dibdib, tiyan at paa ang biktima, na agad niyang ikinasawi.

Samantala, hindi pa matukoy ng mga pulis ang motibo sa likod ng krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.