Kalaguyo raw ni misis ang isang local politician
Anak ng sikat na pulitiko at asawang galing sa buena familia, hiwalay na

BLIND ITEM: Pangunahing bida rito ay isang mag-asawa: anak ng isang sikat na pulitiko ang babae, galing naman sa buena familia ang lalake.

Balitang naghiwalay na ang couple. At ang itinuturong dahilan, nabisto raw ng lalaki na karelasyon umano ng kanyang misis ang isang local politician.

Ang pagkakatuklas ng lalake sa illicit affair na ‘yon ay sa pamamagitan ng palitan ng text messages umano ng kanyang asawa’t kalaguyo nito. Through some sophisticated device or process, na-retrieve ng lalake ang mga mensaheng ‘yon.

The problem of the separated couple, however, does not end there.

Hawak kasi ng babae ang  milyun-milyong pisong nakulimbat umano ng kanyang isang malapit na kamag-anak, hence, tumatayo siyang custodian ng malaking halaga ng perang  ‘yon.

‘Yun nga lang, para madisimula ang pagtataglay ng babae ng ‘ika nga’y loot, inilipat niya ito sa pangalan ng mister na nakipaghiwalay sa kanya.

Ang tanong: paano nang mababawi ng babae ang pera mula sa kanyang dating asawa? In case the wife resorts to legal means to get the money back, sa paanong paraan niya ipaliliwanag ang pagkakaroon ng limpak-limpak na salapi?

Aware  ba ang malapit na kamag-anak ng separadang babae na may namamagitan sa local politician at sa kanyang kadugo?

Minsan nang nadiin sa kaso ang pamilya ng babae, na kinalaunan ay nalusutan din nila.

Mahulaan n’yo kaya kung sinu-sino ang mga tauhan sa kuwentong ito?

By Ronnie Carrasco

Previous articleMike Tan & Louise delos Reyes: It’s Better When We’re Together!
Next articleSen. Bong Revilla Jr. at Hayden Kho, nagkabati na

No posts to display