Kalaguyo ng Ka-Live-In, Kinatay ng Syota

DEAD ON the spot ang isang binatang construction worker makaraang pagtatagain ng selosong magsasaka sa Purok 4, Sitio San Isidro, Brgy. Tungkong Mangga, San Jose del Monte City sa Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valones kay OIC Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduña, kinilala ang nasawing biktima na si Jimmy Perosa Y Duran, 27 anyos, habang arestado naman ang suspek na si Orly Inocillas Y Amoroto, 25 anyos, isang magsasaka, kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-2:00 ng madaling-araw sa inang araw ng taong 2013 nang maganap ang pamamaslang sa suspek.

Nabatid na nagkaroon umano ng kasunduan ang live-in partner ng suspek na nakilalang si Roselyn sa kalaguyo nito na si Jimmy kung saan magkikita madaling-araw ng Bagong Taon.

Ayon sa suspek, sinundan nito ang lihim na lakad ng kanyang live-in partner sa plano nitong pakikipagtagpo sa aniya’y ka-chat na lalaki, dala ang isang matalim na jungle bolo.

Pagdating sa lugar, matapos mapatunayan ang lihim ng kanyang kinakasama, walang sabi-sabi nitong inundayan ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang binatang biktima.

(TONY DELA PEÑA) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.