Kalaguyo, Kulong sa Bawal na Pag-ibig; Misis, Tugis

SHOOT SA kulungan ang lalaki habang pinaghahanap naman ang misis makaraang ireklamo ang mga una ng panganga-lunya ng tunay na asawa ng ginang kahapon ng umaga sa Navotas City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Navotas Police at nahaharap sa kasong Adultery ang suspek na si Noel Fuentes, 53, ng Barangay West ng nasabing lungsod habang tugis naman si Catalina Marquez Leano, 48.

Sa reklamo ni Generoso Leano, 53, ng Monroy St., Navotas City, buwan ng Pebrero taong kasalukuyan, nadiskubre nito ang panlolokong ginagawa ng kanyang asawang si Catalina.

Una ay binalewala muna ng mister ang kalokohan ng asawa baka sakaling magbago pa ito subalit apat na buwan ang makalipas ay tuluyan nang sumama kay Fuentes ang kanyang misis dahilan upang ipahuli ang magkalaguyo.

Dakong alas-11:00 ng umaga humingi ng tulong sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protective Desk (WCPD) ng Navotas Police ang biktima at nilusob ang bahay nina Fuentes sa Habbi Compound sa Bangkulasi.

Si Fuentes lamang ang nadatnan ng mga awtoridad habang si Catalina ay wala sa bahay kung kaya’t agad na dinala sa presinto ang una at sinampahan ng naturang kaso.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.