Kalagayan ng 4 OFWs na Nawawala, ‘Di Pa Tiyak

NANATILING BLANKO pa rin umano ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kalagayan ng apat na mga Filipino workers na nawawala matapos ang nangyaring hostage-taking incident sa isang gas field sa Algeria.

Sinabi ni DFA spokesperson Raul Hernandez na patuloy na nakikipag-ugnayan ang kanilang team sa mga Algerian authorities hinggil sa mga bagong impormasyon.

Una nang inihayag ng opisyal na mayroong 26 na mga overseas Filipino workers ang nagka-duty sa nasabing gas facility nang mangyari ang pagsalakay ng mga Islamist militants.

Sa nasabing bilang, 16 aniya ang “accounted for”, anim ang napatay at apat na iba pa ang missing.

Tiniyak din ni Asec. Hernandez na ginagawa na nila ang lahat para mapabilis ang pagpapa-uwi ng labi ng mga nasawi.

Sa pinakabagong pahayag ni Algerian Prime Minister Abdelmalek Sellal, sinasabing limang dayuhan pa ang nawawala.

Base sa unang ulat, 38 ang kabuuang bilang ng mga nasawi, kasama ang pitong Japanese, anim na Pinoy, tatlong Americans, tatlong Britons, dalawang Romanians at isang Frenchman.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.