Kaklase ni P-Noy, Hinirang na Bagong Chief Legal Counsel

KINUMPIRMA NG Palasyo ang pagkakatalaga kay Atty. Alfredo Benjamin Sabater Caguioa bilang bagong Chief Presidential Legal Counsel.

Si Caguioa ang papalit kay Atty. Ed de Mesa na inilipat sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Si Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang nag-anunsyo ng naturang appointment.

Samantala, napag-alaman na si Caguioa ay kaklase ng Pangulong Noynoy Aquino at kasalukuyang nagtuturo sa College of Law ng Ateneo de Manila University.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.