Kakarnehin para ibenta ang lamang-loob NENE, NAKALIGTAS SA KIDNAPPER

NAKALIGTAS SA TIYAK na kapahamakan ang isang siyam na taong gulang na batang babae matapos itong makatakas sa mga kidnapper na umano’y kumukuha ng mga lamang-loob ng kanilang biktima sa Valenzuela City kamakalawa ng tanghali.
Ang biktima na agad na nagtungo sa kanilang barangay kasama ng mga magulang nito upang iparating ang insidente ay nakilalang si Rica Mae Abante, 9-taong gulang, grade-3 pupil at residente ng Granda St., Bilog, Brgy. Balangkas ng nasabing lungsod.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na mabilis na tumakas gamit ang isang puting closed van na walang plaka.
Sa nakalap na impormasyon kay Mariel Sebastian, staff ng Brgy. Balangkas, naganap ang insidente dakong 11:10 ng tanghali sa harapan ng Tina Store na matatagpuan sa kahabaan ng Kabesang Imo St., Bilog, Brgy. Balangkas.
Ayon sa naging salaysay ng biktima sa mga opisyal ng barangay, kasalukuyan itong naglalakad sa naturang lugar nang bigla na lamang lapitan ng dalawang lalaki.
Sapilitan umanong isinasakay ng mga suspek ang biktima sa closed van ng mga ito ngunit nagpapalag si Abante hanggang makakuha ito ng tiyempo at kagatin ang kamay ng isa sa mga kidnapper dahil upang mabitiwan ito.
Matapos ito, mabilis na nagtatakbo ang biktima habang sumisigaw upang makahingi ng tulong habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspek gamit ang kanilang closed van.
Nang malaman naman ng magulang ng biktima ang sinapit ng kanilang anak ay agad na nagtungo ang mga ito sa kanilang barangay hall upang iparating ang naganap na insidente.
May hinala naman ang mga opisyal ng barangay na may kinalaman sa mga dinudukot na bata ang dalawang suspek kung saan ay kinukuha ng mga ito ang lamang-loob ng kanilang magiging biktima.
Kaugnay nito, agad namang ipinag-utos ni Chairman Alfredo Salvador ng Brgy. Balangkas ang pagmamanman sa lahat ng eskuwelahan sa nasasakupan nitong lugar upang mahadlangan ang mga kaparehas na insidente.
(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Kakarnehin para ibenta ang lamang-loob NENE, NAKALIGTAS SA KIDNAPPER

  1. oh my, that's one of the reasons why i don't want to go back home; it's not safe anymore. kahit nga sa probinsya namin dati tahimik pero ngayon nakatatakot na rin. Usong-uso ang akyat-bahay at holdapan at kung minsan ay pinapatay pa ang mga biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published.