Premiere Shots: Kakaibang celebration ng birthday ni Kuya Boy!

BIRTHDAY CELEBRATION SA badminton court? Why not, ‘di ba?

Ito nga ang isa sa mga masasayang paraan ng pagse-celebrate ng King of Talk na si Kuya Boy Abunda ng kanyang birthday. Ginanap kasi last Wednesday, Oct. 28 ang 1st Boy Abunda Badminton Cup sa Kalayaan Badminton Court sa Kalayaan Ave., Quezon City. October 29, kahapon ang birthday ni Kuya Boy.

For a cause ang event na ito na dinaluhan at sinalihan ng ilang malalapit na kalapit ni Kuya Boy, sa loob at labas ng showbiz. Inorganisa nga ang naturang event para sa mga scholars ni Kuya Boy, gayundin sa mga naging biktima ng nagdaang bagyo.

Kabilang sa mga naispatan ng ating kamerang-gala na sumali sa nasabing event ay sina Ai-Ai de las Alas, Emilio Garcia, Glydel Mercado, Angelou de Leon, Paolo Ballesteros at AJ Dee.

Siyempre pa, hindi mawawala ang special appearance ng isang malapit na kaibigan ni Kuya Boy na si Kris Aquino. Full support nga si Kris sa event na ito nbi Kuya Boy, kung saan binitbit pa talaga ni Kris ang kanyang mga anak na sina Joshua at Baby James.

Mula sa lahat ng bumubuo ng Pinoy Parazzi, mabuhay ka Kuya Boy para sa isa na namang makabuluhang gawain…!

…At maligayang, maligayang bati sa iyong kaarawan, Kuya Boy!

PHOTOS BY MARK ATIENZA

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.