Kakai Bautista, natakot makasama sa ‘Harry & Patty’ si Ahron Villena dahil sa bashers

Ahron Villena and Kakai Bautista

AYON kay Kakai Bautista na gumaganap bilang Patty sa pelikulang Harry & Patty, hindi naging madali para sa kanya na tanggapin ang pelikulang first time nilang pagsasamahan ni Ahron Villena dahil takot siyang ma-bash ulit nang katakut-takot.

 “Pinost ko nga sa Instagram na ilang beses kong pinag-isipan bago ako umoo sa project na ‘to, kasi nga sobrang natatakot  ako.  Kasi alam n’yo naman, sikat na sikat ako sa mga pangba-bash, ganyan and everything lalo na pag tungkol sa aming dalawa,” kuwento niya sa presscon ng Harry & Patty.

Pero nung naisip niya na kailangan niya talaga ng pera dahil meron siyang bibilhin, pumayag na rin siya sa offer ng Cineko Productions.

“Tapos, naisip ko, kailangan kong mag-ipon ng pera kasi mayroon akong bibilhin. Maa-achieve ko rin ‘yun in time, in God’s perfect time.

“Naisip ko ‘yun, so sabi ko, ‘di bale na lang, kahit anon’g sabihin ng mga tao, keri na ‘to, go-go ko na ‘to’” katwiran niya.

Mabuti na lang daw at nung mga panahong yon ay tila okey na sila ni Ahron at nag-uusap na sila. That time naman din daw ay okay na sila ni Ahron at nag-uusap na sila.

     Na-appreciate naman ni Kakai ang efforts ni Ahron para maging okey silang dalawa.

“In fairness, nag-effort naman siya, sa maniwala kayo at sa hindi. So, thankful din naman talaga ako na binigay sa amin ‘to ng mga producers,” sey pa niya.

Ang Harry at Patty na ire-release ng Star Cinema ay mula sa direksyon ni Julius Ruslin Alfonso na siya ring nagdirek ng award-winning film na Deadma Walking. Showing na ito simula August 1.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.