Kakai Bautista, nali-link kay Mario Maurer!

BLIND ITEM: Nakakalokah naman ang isang bagets actor. Ang hilig mang-asar, pero ‘pag napikon, namimisikal.

Aba’y sa isang shooting, habang hindi pa sila kinukunan ay inaasar niya ang isang 5-year old na talent. Nu’ng napipikon na ang bagets, bigla nitong sinuntok ang young actor. Ang ginawa naman ng young actor, hindi man lang nagdalawang-isip, itinulak niya nang bongga ang batang paslit.

Lalo tuloy umiyak ‘yung bata. At ang ending, si bagets actor pa ang galit na galit, dahil sinuntok daw siya. Eh, pa’no siyang hindi susuntukin nu’ng bata eh, inaasar niya? Ang nakalimutan yata ng young actor, bata ang kaaway niya, hindi kasingtaas niya, hindi kasingtangkad niya.

At ipinagmamalaki pa ng bagets actor noon sa mga nakakausap na movie press na siya ay isa nang renewed Christian, take note. Patulan ba talaga ang isang bata?

Clue sa young actor?

Well, ang kanyang name ay muntik nang bumaho.

 

GUSTO NAMING sabunutan sa kanyang buhok sa ilong ang komedyanang si Kakai Bautista, dahil nali-link siya ngayon sa Thai actor na si Mario Maurer. Eh, tapos na ‘yung movie nilang Suddenly, It’s Magic, pero ‘yung pagkaka-link ke Kakai, parang never ending.

‘Eto namang si Ka-kai, deadma sa twitter. Parang ine-enjoy niya ang isyung siya ang cause ng break-up ni Mario sa girlfriend nito. Ayaw talagang sagutin ang kanyang mga twitter followers. “Hayaan mo sila, ma. For as long as alam ko naman ang totoo!”

O, ‘di ba, kung sumagot ang potah, parang siya si Erich Gonzales? Hahahaha!

Anyway, dahil magkaibigan kami ni Kakai, eh sinagot naman sa amin ito ni Kakai. Wala itong katotohanan, “At wish ko lang, mama! Hahaha!”

Pero one-night stand with Mario, payag siya?

“Hahahaha! Ano ba ‘yan, Ma? Papayag ba naman si Mario?”

Eh, kung pumayag?

“Why not? Ako pa ba ang choosy?”

O, ‘yun naman pala, eh. At least, pumanatag na dapat ang kalooban ng mga girl faney ni Mario, dahil walang katotohanan at super duper genuine friendship lang talaga ang kakayaning ibigay ng Thai actor sa komedyanang si Kakai.

Dahil kung totoo ‘yon, sasabunutan ko talaga ‘yan sa pubic hair sa sobrang inggit namin!

Hahahaha!

 

NO DOUBT about it! Taon ngayon ni Daniel Padilla. Obvious ba eh, he’s everywhere! Lahat ng mga shows ng ABS-CBN (puwera sa mga teleserye), nandu’n si Daniel. Kung saan-saan nagge-guest para i-promote ang Must Be… Love nila ni Kathryn Bernardo na sa March 13 na showing.

Pero kung matalas ang pakiramdam namin, parang mas sikat ang “Daniel Padilla” kesa sa “KathNiel.” Can you feel that? Ako, ramdam ko, eh. Parang mas sikat ang lalaki, kesa sa ka-loveteam niya. Hindi balanse.

An’lakas naman kasi ng arrive nitong si Daniel. Saka may character ‘yung bata.

Kaya nako, ‘wag sanang mag-iiba ang ihip ng hangin. Sana’y tuluy-tuloy ang pagkagusto at pagkainlab ni Daniel kay Kathryn, dahil (knock on wood) ‘pag nagkaisplitan ang dalawa, maiiwan tiyak si Kathryn.

Ngayon, gustung-gusto pa ng mga tao ang KathNiel, dahil ramdam ng lahat ang kilig sa dalawa. Kaya sana, let’s pray na tuluy-tuloy ‘yan para dire-diretso nang sila ang pinakasikat na loveteam.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

17 thoughts on “Kakai Bautista, nali-link kay Mario Maurer!

  1. Ogie Diaz, hindi ba sumasakit mga tyan ng mga anak mo? Just wondering. Ang pinapakain mo sa kanila galing sa pakikipag plastican, paninira, negatibong opinyon. Ang pagtuunan mo ng pansin yung alaga mo na pangkaraniwan na sa Philippine Showbiz. Kaya ka iniwan ni Vice eh ang sama ng ugali mo teh! Yung mga anak mo kaya pwede sa showbiz? 

  2. sabipa ni ogie diaz napag iiwanan daw ni daniel padilla si kathryn dahil mas sikat daw si daniel kaysa kathryn..? OMG.! ogie si kathryn mas una sumikat,magkaribal,mara clara, way back home,at princess and i.. bago lang ngayan si daniel sumikat nag mag click sila ni kathryn..ayusin munga S.I.R mo.. with or without daniel. i support kathryn…!!!

  3. for me okay lang kung maging sila. eh yung mga foreigner naman mahilig sa ganyang beauty noh! Ganon din si Mario.. Natutuwa kasi si Mario sakanya eh, LET IT BE! maingget na ang maingget. Basta ang haba ng hair ni kakai, kung sa iba eh panget sya. diba? XD 

  4. kun true ung  mario/cacai ang haba2 nman ng hair ni cacai, anG SARAP nya tlagang sabunutan at ang tapang nman ng sikmura ni mario ha, i dont intend to be mean pero ngsasabi lng ako ng 220…dyuskupo mkita molang ung bibig ni cacai, pano kya zang hahalikan ng mario if ever…parazang humahalik sa suso? hehehe…

  5. bihira na yan noh! eh ang mga gwapong lalaki ngayon puro magagandang babae ang hanap… meron pa palang mga lalaking gaya ni mario

  6. Kathryn has her very own name in showbiz even before maging LT sila. SIkat na siya kasi talented siya. Dati nung hindi pa sikat si Daniel siya lagi mo napapansin/bnblind item mo pa, ngayon sikat na si Daniel, si Kathryn naman inaano mo. May kanya kanya sila solid fanbase pareho, bukod pa sa loveteam fanbase nila kaya wala maiiwan. Yang alaga mo iwan na talaga wala mararating ikaw ba naman manager eh, Kaya ka nga iniwan ni Vice Ganda eh dahil sa ugali mo. Lagay mo din si utak mo na ang KATHNIEL HEART is EVEN, STEADY, and TRUE. wala maiiwan isa sa kanila. 

  7. From magkaribal to Maria Clara…Kathryn Bernardo made a name for herself using her OWN accomplishments. She didn’t need anyone, or any loveteam to achieve that.  And F.Y.I the soap Princess and I was made for HER. Nagkataon lang na super lakas ng chemistry nila ni Daniel kaya sumikat loveteam nila. They’re successful because of there OWN efforts. PASIKATIN MO NA LANG YYANG ALAGA MO, SIYA GAWAN MO NG WRITE UP, HOPIA NA MASYADO. 

  8. D mpgiiwanan c Kath no. mgaling siya kya tatagal yan..
    bakit ba galit na galit ang tards e to-too namang mas sikat si daniel keysa sa kathniel

  9. nakaka tuwa naman ang article about mario and kakai, ang cute no, gwapong lalaki and not so pretty girl. at least they’ve become good friends

  10. OGIE HA. LEARN HOW TO CONTROL YOUR MOUTH. NAGIGING SOBRANG DOMINANTE KA NA SA TV. SA S.R.I., PARANG FEELING MO IKAW ANG PINAKA-STAR SA INYONG APAT. NAPAKA-DOMINANT MO. TAPOS, WATCH DIN KITA RECENTLY SA KRIS TV, ABA, KAHIT DI NAMAN IKAW SPECIFICALLY ANG TINATANONG, GRABE KA KUNG UMAGAW NG MOMENT NI AIKO HA. BAKIT SINGIT KA NG SINGIT EH SI AIKO ANG TINATANONG. ANG PROPER COURTESY JAN, WAIT MO MUNANG MATAPOS SI AIKO MAGSALITA BAGO KA MAGSALITA. PARANG KELAN LANG, KULANG NA LANG PULUTIN KA SA KANGKUNGAN NUNG NATANGGAL KA SA UMAGANG KAY GANDA. TAPOS, NUNG KUMAWALA SA YO SI VICE GANDA, FEELING UNDERDOG KA KASI HAMBOG ANG IMAGE NI VICE. HINAY-HINAY TEH.

  11. Naku Ogie D, ayaw ng mga fantards ni Kathryn yan.at ayaw din ng mama nya yan. Ha ha
    Sikat din naman si Kathryn dati pa,di nga lang kasing sikat ng natatamasa nya ngayon simula ng dumating si Daniel. He he lagot ka sa fantards nya na sambang samba sya 

  12. Ogie Diaz, excuse me! Hindi maiiwan si Kathryn sa ere because first of all she has the talent. And kahit sikat si Daniel ngayon, eh bukas? Remember ang kasikatan ng tao nawawala, pero ang talent nyan hahanaphanapin. Kathryn Bernardo is smart and talented. Please ayusin mo ang pagsusulat. Sobrang plastic mo! 

  13. I love OGIE DIAZ talaga…inaabangan ko lagi yung article niya natatawa kasi ako sa mga banat niya…kaya lagi ko din pinapanood yung Showbiz Inside Report dahil sa kanya at siyempre sila Carmina, Janice at Tsong Joey!

Leave a Reply

Your email address will not be published.