Kaisa-isang show sa Siyete, plano nang tigbakin Claudine Barretto, tinamad nang magtrabaho?!

NAKALULUNGKOT ANG NANGYAYARI sa personal na buhay ni Claudine Barretto ganu’n na rin sa kanyang showbiz career. Para talagang hindi balanse ang mga nangyayari. Matagal na talagang pinag-uusapan na diumano’y napagtatakpan lang. Pero hindi na raw talaga okey ang pagsasama nila ng kanyang husband na si Raymart Santiago, at hayan na nga at nang dahil sa kontrobersiyal na limang milyong piso na biglang na-withdraw sa bangko ay lumitaw ang katotohanan na mayroon talaga silang problema.

Hayaan na lang muna nating mayroong mga pagtatakip na nangyayari. Kasi nga, pamilya sina Claudine at Raymart. Sa showbiz naman, sa bandang huli na lang tayo nawiwindang kapag lumabas ang katotohanan. Hindi naman kasi madamot si Claudine kapag kinakailangan na niyang magsalita. Pero pagtatanggol ng mga kaibigan na nagmamahal sa aktres, si Claudine ang tipo ng tao na malalim ang pagpapahalaga sa katahimikan ng pamilya kapag mayroong problema.

Kaya lang, mahinang magdala ng problema si Claudine. Naaapektuhan ang kanyang mga trabaho. Nitong huli, dahil sa isyu ng limang milyon, tinamad na siyang mag-taping ng nag-iisa niyang teleserye, kung saan siya napapanood ng kanyang mga fans, ang Iglot ng GMA-7, kaya nagkaroon ng plano na tapusin na kaagad ang nasabing serye. Kawawa naman si Claudine, hindi pa nakakabawi sa paglamlam ng kanyang kasikatan magmula nang lumipat sa Siyete, hayan at lagi pang may problema sa pagsasama nila ni Raymat, na matagal nang iniintrigang hiwalay na!

HINDI SUMIPOT SI Derek Ramsay sa ginanap na fund-raising concert ng Philippine Movie Press Club nu’ng gabi ng October 29 sa Zirkoh-Tomas Morato, ang “The Biggest Lafter” nila ni Ai-Ai dela Alas. Nagkasakit daw siya bigla, kaya hindi makararating. Habang nasa stage na si Ai-Ai ay tumawag bigla si Derek sa cellphone ng comedy concert queen para siya mag-sorry sa komedyana, dahil wala nga siya para pasayahin ang mga nanood na bumili ng mga tiket.

Nakabibigla, nakalulungkot at mapapabuntung-hininga ka na lang. Pero sanay na ang PMPC sa mga artistang ganyan.  ‘Yung kaorasan na ng gaganaping okasyon ng aming club, pero may mga katulad nina Edu Manzano at Janno Gibbs na magpapasabing hindi raw makakarating. Ngayon, heto si Derek. Maraming miyembro ng PMPC ang aliw kay Derek dahil mabait siya at mapakisamang tao sa showbiz. Ito sana ‘yung pagkakataon na makakasama namin siya.

Buhay na buhay ang gabing iyon sa palibot ng Zirkoh. Sa totoo lang, walang dudang sikat na si Derek. Ang dami niyang mga fans na nakabili na ng tiket ang sobrang nadismaya nang malamang hindi siya makakarating. Ang daming duma-ting na mga matrona para panoorin sana si Derek. Pero nagsialisan na rin ang marami sa kanila, dahil obviously ay gusto talaga nilang makita nang personal ang boyfriend ni Angelica Panganiban.

Nagkatawanan tuloy sa harap ng Zirkoh dahil isang bagets na Derrick Monasterio ang dumating, dahil wala nga raw Derek Ramsay. Kasamang dumating ng Kapuso young actor ang kanyang mommy at dating aktres na si Tina Monasterio.  Mapakisama sa press si Derek, dahil sa tuwing may project ang PMPC at kailangan namin ng mga artista ay siya ang isa sa mga unang dumarating para suportahan ang aming club. Walang palya si Derek sa ganu’n niyang positibong ugali.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleHeart Evangelista, handa nang harapin si Marian Rivera!
Next articleAlbie Casiño, kinaiisan ang sobrang kayabangan!

No posts to display