Kainuman, Kritikal sa Taga

NASA KRITIKAL na kundisyon ngayon sa Ifugao Provincial Hospital ang isang lalaki matapos itong tagain ng kanyang kasamahan habang nag-iinuman sa Poblacion, Kiangan,Ifugao.

Sa ulat na Kiangan Police Station, kinilala ang biktima na si Ricky Noble, 32-anyos, tubong Nueva Ecija; habang kinilala naman ang nadakip na suspek na si Pedro Cacliong, Jr., 23-anyos, na kapwa residente sa nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nag-iinuman ang biktima at suspek, kasama ang isa pa na si Erick Guingat, nang nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa hindi mabatid na kadahilanan na nauwi sa madugong pananaga ng suspek.

Nabatid na unang dinala ang nasabing biktima sa Regional Health Unit ng Kiangan, bago inilipat sa panlalawigang pagamutan dahil sa mga malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala detenido na ngayon ang suspek sa Kiangan Municipal Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.