Kailangan nang buwagin: SK, WALA NANG SILBI

DAHIL HINDI NA tumutugon sa pangangailangan ng kabataang Pilipino, kailangan nang buwagin ang Sangguniang Kabataan. Ito ang pagtingin ni Presidential Communications Operations Group chief Herminio Coloma, kaugnay na takot na kapag binuwag ang SK, mawawalan na ng boses ang kabataan na binubuo ng mga nasa edad 15 hanggang 18.

Marami na umanong mga reklamo na nagagamit lamang ang mga SK ng mga tiwaling opisyal sa barangay para sa kanilang personal o pulitikal na interes.

Ayon kay Coloma, sa isang radio interview, matagal na aniyang naririyan ang SK, pero kailangang harapin na hindi na ito nagiging epektibo.

“President Aquino enjoys a large mandate and this is one area we need to examine for reforms. In my opinion, the SK is not the only method that can respond to the youth’s needs. If we examine the new government’s platform, priority is given to education,” binigyang-diin pa ni Coloma.

Ani pa ni Coloma, nasa edukasyon ang kinabukasan ng kabataan, at hindi lang sa SK matutulungan at matutugunan ang kapakanan ng kabataan.

Sa ngayon, may plano na ang Malacañang na buwagin na ang SK. Ihinahanda na rin ng Department of Interior and Local Government ang isang draft bill na nagsusulong para sa abolisyon ng SK.

Nauna nang sinabi ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda sa isang news conference noong nakaraang linggo na ang tanging pinaghahandaan ng Palasyo ay ang barangay election sa Oktubre, kabilang ang paghalal sa isang kinatawang ng kabataan na uupo sa barangay council. Sinabi niya na hindi na kailangan pa ang ‘full slate’ ng youth councilors na uupo sa SK sa bawat barangay.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Kailangan nang buwagin: SK, WALA NANG SILBI

  1. As one Barangay officer, I personally believed that SK has nothing to contribute in the improvement of Barangay youth activities. Sa Barangay namin ay mas natutunan ng SK Chairman ang pagiging kurap kesa tumulong sa mga nasasakupang kabataan. Yung 10% na pondo ng SK ay ibinubulsa ng SK Chairman ang natitira matapos magpalaro ng konte sa mga kabataan. Sana dapat sila ang huwaran ng mga kabataan hindi ng kamalian kundi kabutihan

Leave a Reply

Your email address will not be published.