Kaibigang mayor daw ang nagkasal
Luis Manzano at Jennylyn Mercado, secretly married na?!

HINDI GANU’N kakumpirmado pero may nagbulong  sa amin na kasal na raw talaga sina Luis Manzano  at Jennylyn Mercado. Totoo raw ang naunang balitang inilabas na nagpakasal na ito sa Batangas sa isa sa mga close na mayor ng nasabing lalawigan.

Pinagtatawanan lang nina Luis at Jennylyn ang issue, pero obvious na apektado ang dalawa dahil sa tuwing itatanong sa mga ito ang tungkol sa issue, parang may iniiwasang hindi mo maintindihan.

Sa kabilang banda, hindi naman tutol ang Star For All Seasons na si Vilma Santos kung sakaling kasal na nga ang dalawa dahil alam ng beteranang aktres na nasa mabuting kamay ang kanyang anak. “Nagmamahalan sila kaya wala tayong magagawa du’n at hindi na naman bata si Luis para tutulan natin siya sa kung anuman ang kanyang gusto. At kung saan magiging masaya siya ay masaya na rin ako para sa kanya.”

 

FOR THE first time ay nominado si Nora Aunor sa pagka-best supporting actress sa darating na Metro Manila Film Festival. At ayon sa Superstar, masaya siya dahil ito ang unang nominasyon ng pagka-best supporting actress mula nang pumasok siya sa showbiz.

“Ngayon lang po ako naging nominado para sa pagka-best supporting actress, kaya siyempre mas doble ang excitement ko,” sabi ng Superstar.

Dalawang nominasyon ang ibinigay kay Nora Aunor para sa darating na Metro Manila Film Festival, ang best actress para sa pelikulang Thy Womb at best supporting actress para naman sa El Presidente. Pero kalabisan nang sabihing mas gusto palang manalo ni Mama Guy ng Best Supporting Actress.

Sa darating na MMFF ay sa Thy Womb na float sasakay ang Superstar at naiintindihan naman ni Governor ER Ejercito ang sitwasyon ni Nora.

“Tama lang na sa Thy Womb siya sumakay dahil movie niya iyon,” pahayag ni Gov. ER.

 

MAGANDA ANG nakaraang Star Awards For Television ng PMPC. Kaya lang ay obvious na ang dumarating na artista, kundi host ay winner na sa nasabing taunang award-giving body. Na ang ibig sabihin, hindi dumarating ang artistang nominado kung hindi sila nakatitiyak ng kanilang pagka-panalo.

Sa loob ng halos dalawang dekada namin sa showbiz, napapansin namin na habang tumatagal ay nagiging ugali na ng mga artista ang hindi sumipot sa sandaling hindi sila nakasisigurong wagi. Unlike sa mga international awards night, obligadong dumalo ang mga nominado.

Nitong nakaraang Star Awards, halos konti lang ang mga artistang dumating, at halos lahat ng dumalo ay nakatanggap ng tropeo. Kaya nga bulong sa amin ng isang miyembro nang sabay-sabay na dumating sina Nora Aunor, Helen Gamboa at Dawn Zulueta, may magta-tie daw na siya namang nangyari. Nag-tie nga sina Nora at Helen para sa pagka-Best Actress samantalang hati rin sa rekognisyon bilang Best Comedy Actress sina Ruffa Mae Quinto at Pokwang.

Halos matanggal ang panga sa pagkatigagal ng ilang miyembro ng PMPC nang muntik nang hindi mabasa ni Gerald Anderson ang pangalan ni Mama Guy bilang kahati ni Helen sa pagka-Best Actress. Kaya nakahinga lang sila nang maluwag nang maihabol ni Gerald ang pangalan ng Superstar.

Sa kabuuan, maganda ang Star Awards ngayon at hindi kaduda-duda  ang winners nila kumpara sa nakaraan nilang Star Awards for Music.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

11 thoughts on “ Kaibigang mayor daw ang nagkasal
Luis Manzano at Jennylyn Mercado, secretly married na?!

  1. Luisa wag kang ganyan, consult mo muna si BB para maliwanagan ka. Huwag gamitin ang mga babae para lang mapagtakpan Ang iyong tunay na kasarian. Isa kang sirena iha

  2. Miss Krissy bigyan natin ng chance si Jennylyn lumigaya,very tragic naman yun naging karanasan ni jennylyn kay dennis eh,bugbugin ka kaya eh kapayatot ni JM,anyway lets be happy para sa dalawa if kasal na nga sila

    • ateng i have nothing against your idol jennylyn mercado, all im saying is, si luis ay parang judinger z at if true (and i think it’s true) well swerte ni jennylyn dahil ang type lang kung sakali ni luis ay lalake at hindi sya mambababae. partida na yan kay jennylyn. hahahahaha

      • korekek na korekek…..hi hi hi hi…..pa secret secret pa….di naman secret ang pgka bading….hi hi hi…

  3. bakit ganun, noong una para wala lang sa akin ang mga gestures na parang juding ni luis pero ngayon, i was like, “OMG soooo gay!” hahahahaha.. bading na bading na si luis lalo na pag kasama nya sa show si vice ganda, parang lalong nag eexcel ang kabadingan nya hahahahahaha! oh well.. kung totoo man ang balitang secretly married na sila ni jennylyn, mas pabor yan kay jennylyn, kasi she knows na sa estado nya, wala nang magseseryoso sa kanya but luis juding is there. alagaan mo ang bading ha jennylyn, sya na lang ang seseryoso sayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.