Kahit Wanted: Mancao, Kumakandidatong Bokal sa ComVal

TULOY ANG kandidatura ng puganteng si dating Police Senior Superintendent Cesar Mancao bilang board member sa Compostella Valley.

Iginiit naman ni Mancao na hindi publicity ang sunud-sunod na interview sa kanya ng media at pagiging headline sa mga balita.

Una nang nai-report ang pagtakas ni Mancao noong Mayo 2.

Nagpasyang tumakas si Mancao dahil sa aniya’y hindi patas na pagtrato sa kaniya.

Ngayong nasa labas si Mancao, tuloy pa rin aniya ang ‘legal battle’ kasama ang kanyang mga abogado.

Samantala, hirit pa ni Mancao na madesisyunan na nang maayos ang kaso at walang iregularidad na maganap.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.