KAHIT WALANG KIM CHIU: XIAN LIM, KERI NA MAG-SOLO

Xian Lim

I’M SURE, happy si Xian Lim nito kapag nakarating sa kanya ang opinyon ng nakararami.

Maganda kasi ang feedback ng mga nakapanood last night sa advanced screening ng pelikulang Sin Island kung saan lumutang ng husto ang acting ng binata (as David) bukod pa sa mga super-hot love scenes niya with his co-stars Coleen Garcia as Kanika (his wife) at ang palaban sa kama na si Nathalie Hart playing the role of Tasha (the other woman sa relasyon). Naging trending ang pelikula ng Star Cinema na ipapalabas na simula bukas, Valentine’s Day.

Super-duper hot man ang mga love scenes ni Xian with her leading ladies, ang galing niya sa mga eksena with Coleen at Nathalie na mapapabilib ka dahil ngayon mo lang maaappreciate ang acting ng binata.

Maganda ang acting ni Xian na ayon sa topic ng usapan, performance wise ay naka-one step higher na siya kay Kim Chiu. Kering-keri na niya to go solo even without Kim na siyang nakasanayan at hinahanap ng mga fans nilang dalawa.

Hindi ko naitanong kay Xi kung meron siyang paandar sa kanyang lady love for Valentine’s Day bukas. Dati rati, every year ay may gimmick siya na sorpresa tuwing araw ng mga puso.

SIN ISLAND director Gino Santos, Coleen Garcia, Xian Lim and Nathalie Hart

Kung sakali man na walang pinaghandaan ang binata dahil sa kabisihan sa promo ng pelikula nila nina Coleen at Nathalie ay maiintindihan naman siguro ng dalaga dahil super sipag ng tatlong bida na mag-promo ng obra ni Direk Gino Santos.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.