KAHIT TSINUGI NA… SEXBOMB GIRLS, THANKFUL PA RIN SA EAT BULAGA!

MARIING ITINANGGI NG CEO/President ng Focus E at nangangalaga sa career ng Sexbomb Girls na si Joy Cancio na regular nang mapapanood ang Sexbomb Girls sa Happy Yipee Yehey! Nag-guest lang daw ang pinakasikat na all-female group sa noontime variety show ng ABS-CBN na katapat ng dati nilang tahanan na Eat Bulaga.

“Guesting lang po. Wala rin naman pong problema sa Eat Bulaga dahil tinanggal na rin naman po sila roon,” sey ni Joy.

Kailangan daw kasi ng trabaho ng Sexbomb Girls dahil may mga pamilyang binubuhay ang bawat miyembro nito gayun din naman siya. Matagal-tagal na rin naman daw siyang walang trabaho, kaya wala naman daw sigurong problema kung mag-guest ang SB sa noontime show ng Dos.

“Siyempre, may family po ako. Kailangan ko rin pong magtrabaho. Tapos, nawalan din po ako ng trabaho sa GMA at gano’n din naman ang mga miyembro ng Sexbomb, kaya naman ‘pag may alok sa aming trabaho, kinukuha namin lalo na’t alam ko namang walang conflict

“Very thankful kami sa Eat Bulaga, kahit baligtarin man ang mundo, alam naming nakilala ang Sexbomb sa Eat Bu-laga at naging bahagi sila ng programa ng higit sa isang dekada,” pahayag ni Joy.

EVERYTIME NA NAPAPANOOD naming sa kanyang shows sa GMA-7 (Tweenhearts at ang katatapos pa lang na Koreana) ang mahusay na aktres na si Ms. Sylvia Sanchez, hindi talaga namin maiwasang mas lalong humanga sa kanya.

At isa sa mga young stars na talagang malaki ang paghanga at respeto sa kanya ay ang young star na si Bea Binene, na magkakaroon ng kanyang kauna-unahang Fans Day sa March 12, sa 4th Floor ng SM City Sta Mesa. Kuwento pa ng bagets, may mga insidenteng kinakabahan siya kapag kaeksena niya si Sylvia dahil sa husay nitong umarte.

Saludo daw si Bea sa galing ni Sylvia. Sobrang bait din daw nito at laging nagbibigay sa kanilang mga tweens ng pointers kung papaano maging isang mahusay na artista.

ISA SA TINITILIAN sa L-Boys ng Sunday game show ng TV5 na Lucky Numbers hosted by Eugene Domingo at Keempee de Leon ay ang Dennis Trillo look-alike at galing sa California, USA na si Kiefer Go.

Nung una raw ay ang maging co-mmercial model lang ang plano ng 19 years old na si Kiefer, nag-try lang daw siyang mag-audition sa game show, pero hindi umasang makakapasok. Kaya naman daw thankful ito sa TV5.

Dagdag pa ni Kiefer, sa ngayon ay nagbabalak na rin siyang subukan ang pag-arte kung mabibigyan siya ng pagkakataon ng Kapatid Network.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.