Kahit sirena na ang role sa serye
Louise delos Reyes, hindi pa rin daw magpo-pose sa men’s mag

Louise-delos-ReyesKUNG DATI ay tutol na tutol si Louise delos Reyes na mag-pose sa isang men’s magazine, ngayon kaya na gagampanan niya ang sirena sa serye ng GMA7 na Kambal Sirena, kung saan dalawa ang leading men niya, payag na kaya siyang mag-pose sa isang men’s magazine?

Isang malutong na hindi pa rin daw niya magagawang mag-pose sa men’s magazine. Naiilang pa rin raw siyang magpakita ng skin kahit na sabihin na art naman at hindi bastos ang gagawing posing.

Anyway, hindi rin naman daw siya nagsasalita nang patapos, baka raw kasi dumating ang araw na pumayag na rin siya.

Siyanga pala sa serye ng Kambal Sirena ay makikita ang kaseksihan ni Louise at hindi maiaalis na puwedeng malantad ang malusog niyang dibdib.

Sabi ni Louise, tinanggap niya ang role at kung ano raw ang hinihingi ng character niya ay gagawin niya nang walang pagtutol.

Sa tanong naman kung totoo na umiyak siya nang malaman na may eksena na nipple lang ng dibdib niya ang lalagyan ng takip habang lumalangoy sa dagat?

Hindi na umimik si Louise at sinabi na abangan na lang ang pagsisimula ng kanyang pinaka-challenging role sa serye.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Kahit sirena na ang role sa serye
Louise delos Reyes, hindi pa rin daw magpo-pose sa men’s mag

Leave a Reply

Your email address will not be published.