KAHIT PWEDE NA: Empress Schuck, ayaw pang magpakasal

Empress Schuck

IBA ANG POSISYON ni Empress Schuck sa kanyang pagiging “single mom” bilang ina ng kanyang 3 years old daughter.

Kung hindi lang sana nabuntis na wala sa schedule si Empress  almost 3 years ago, ang ganda na sana ng estado ng showbiz career niya ngayon. Isa kasi si Empress sa mga promising young actress noon sa showbiz.

“But no regrets,” kuwento niya at the grand media conference ng pelikulang “Kahit Ayaw Mo Na” na isa sa mga magagandang role para kay Empress since she made a comeback via the film Goyo na bida si Paulo Avelino after giving birth.

At that time, pakiramdam ni Empress, parang bored na siya sa pinaggagawa niya. Parang wala na patutunguhan ang career niya reason na umabot siya sa estado na nagbuntis siya na isa sa importanteng bagahi ng pagiging buhay dalaga niya na nagluwal naman ng kanyang beautful baby girl na si Bonita Athalia Guingona from boyfriend na Vino Guingona na related mga Guingona sa politika.

Aminado si Empress na wala sa schedule na magkaanak siya at that time but with Athalia, but with her experience as a young mom ay super happy siya sa baby niya.

Empress with daughter and boyfriend Vino Guingona

Hands on si Empress sa pagaalaga sa anak nila ni Vino (yes live-in sila with a different set-up) na ang boyfriend niya ay naka-based sa Zamboanga ay dinadalaw lang sila ng anak niya sa Manila (kung minsan ay nagpupunta sila sa Zamboanga) para magkasama sila as a family.

Marriage? Wala pa sa plano ni Empress. “Ayaw ko kasi magpakasal dahil lang sa may baby na kami or dahil we need to get married dahil sa influence ng family namin or friends. I want to get married dahil we’re both ready. I want marriage which is an important event in every woman’s life, gusto ko ready ako at gusto ko na,” sabi niya sa amin.

Daniel Matsunaga and Empress in ‘Kahit Ayaw Mo Na’

With Direk Bona Fajardo’s “Kahit Ayaw Mo Na” produced by Viva Films, BluArt Productions, Spark Samar and Saga Prefecture Film Commission which was shot in Western Samar as film location, Empress plays the role of Joey na isang designer to do some research sa kanyang mga obra with boyfriend Reggie (played by Daniel Matsunaga) also stars Kristel Fulgar and Andrea Brilliantes, Desiree del Valle and Alan Paule showing na next week (December 5) in cinemas nationwide.

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.