KAHIT “PLUS SIZE”: Karla Estrada, happy sa pagiging mataba

Karla Estrada

HAPPY si Karla Estrada sa estado niya ngayon.

Kahit sabihin ng iba na “mataba” siya at pang “plus size”, hindi siya apektado. Keber nga naman niya.

“Masarap kumain,” habang enjoy na enjoy niya ang lunch niyang sinampalukang manok na sinamahan ng tortang giniling na sinundan ng tawa.

Sa set visit namin last Saturday sa bandang Pulilan, Bulacan para sa pelikulang Familia BlandINA ng Arctic Sky Productions, happy si Karla sa pagdalaw ng ilang press people na naimbitahan.


Sa katunayan, happy siya at isang “plus size” swimwear company na nakilala internationally ay natutuwa sa kanya at tinutulungan niya ito i-promote sa social media account niya.

Naikuwento niya na ang anak na si Daniel Padilla ay supportive sa pagaarista niya. ”Nag-guest nga sila ni Kathryn (Bernardo). Happy lang,” pagmamalaki niya sa anak.

Yes, ikakasal na sina KathNiel. Nagpaplano na. “Sa eksena nila sa movie, narinig ko, kunyari naguusap na sila about marriage,” kuwento ng ina ni DJ.

May anim na araw na sila nagso-shooting kuwento ni Direk Jerry Sineneng sa amin.

Pero in real life wala pa. Hindi pa. Wala pa sa priority ni DJ tsika ng ina.

“Mabait na bata ang anak ko. Pati si Kathryn, mabait yan. Bagay sila. Nakatagpo ang anak ko ng babae na babagay sa kanya.

Karla Estrada and Marco Gallo

Hindi ko naitanong kay Karla kung first time niya makatrabaho si Direk Jerry, “Gusto ko si Direk(Jerry). Magaan katrabaho at mabilis, “sabi ni Karla.

Sa pelikula personal choice niya, ang komedyante na si Jobert Austria ang siyang makaka-partner niya. They play husband and wife.

“Masaya ang working relationship namin sa set ng movie. Gusto ko rin tulungan si Jobert,” kuwento ni Karla.

Karla Estrada’s children in the movie Familia BlandINA

Sa pelikula, ang teen star na sim Marco Gallo plays his son.

Yes, mga blandina ang mga hair ng mga anak ni Karla sa movie.

At kung ano ang dahilan ay malalaman natin sa kabuunan ng pelikula.

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

One thought on “KAHIT “PLUS SIZE”: Karla Estrada, happy sa pagiging mataba

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.