Kahit panay ang regalo sa kanya ng aktor
Jessy Mendiola, ‘di pa raw panliligaw ang ginagawa ni Jake Cuenca

Jessy-MendiolaNALAGPASAN NA raw ni Jessy Mendiola ang pagiging rebelde nu’ng araw na hindi pa siya artista. Focus sa trabaho ang kanyang priority ngayon sa buhay. Kasama siya sa cast ng pelikulang Call Center Girl na pinagbibidahan ni Pokwang ng Star Cinema at Skylight Films.

“I am really blessed and honored na si Mamang Pokwang ang nakatrabaho ko. Kasi, mahal ko kasi si Mamang bilang isang actress, iniidolo ko siya bilang komedyana. Pero sa totoong buhay, si Mamang, napakamaalagain niya. Napakabait, very responsible bilang isang ina. Makatrabaho mo ang isang tulad ni Mamang, marami kang matututuhan . Marami kang malalaman tungkol sa kanya na dadalhin mo ‘yun kahit hindi na kayo magkatrabaho,” papuring wika ni Jessy.

Kahit halos walang pahinga si Jessy sa taping at shooting , happy naman ito sa takbo ng kanyang career. Hataw sa taas ng rating ang teleserye niyang Maria Mercedes.

Say ng dalaga, “Halos wala na nga akong time para sa sarili ko dahil sa sobrang busy. Happy ako, maganda ang response ng mga tao. Ang daming nagtu-tweet sa akin, nagta-tag sa Instagram ng video. Kapag naglalakad nga ako sa mall, kinakanta nila ang theme song ng Maria Mercedes. Ginagawa nila ‘yung red lipstick, red dress pati ‘yung tomboy look ko, ginagaya nila.”

Inamin ni Jessy na madalas siyang regaluhan ni Jake Cuenca. Kailan lang, binigyan ng actor ang dalaga ng signature bag and shoes na binili pa nito sa US.

“Ganu’n talaga siya maging sa iba niyang leading lady like Shaina Magdayao at Bangs Garcia. Minsan nga, pagbukas ko ng van, may mga flowers sa loob ng van. He’s really thoughtful and really sweet. I don’t see it, panliligaw. Sa ngayon, we’re in stage na magkatrabaho kami and were taking time. Matagal-tagal pa ang pagsasama namin. Halos lahat ng tao iniisip nila na si Jake ay maangas, mayabang, pa-sexy. But in really life, his really sweet and such a gentleman,” depensang sabi nito.

Jessy-Mendiola-Jake-CuencaKahit seryoso ang ginagawang panliligaw ni Jake kay Jessy, hindi raw ito nararamdaman ni Jessy sa kahit kanino niyang mangliligaw. “Kahit sa pagtulog ko, hindi ko nadadama… alam naman ng lahat ng tao na I’m not ready yet for a relationship. Pero, whatever comes, whatever happens, mangyayari ‘yun. Sa ngayon, ang alam ko, magkatrabaho kami ni Jake. Magkaibigan kami ni Jake. Sobrang thankful ako dahil napakabait niya.”

Dahil wala pang linaw ang panliligaw ni Jake kay Jessy, tuloy, lumalabas na promo lang nila ito para panoorin ang kanilang soap. Paliwanag ng young actress, “Hindi naman promo kasi kung promo ipu-push namin na nanliligaw siya. Hindi talaga, it’s really happening, nagbibigay siya ng gifts. He’s thoughtful talaga. Nu’ng nasa States si Jake, he texted me, he sent pictures kung anong boots ang gusto ko. Sinabi ko, ‘yung red, binili niya ako ng black kasi walang red. Nakakatuwa, nag-effort siya. I don’t want people to think na promo lang ‘yun. Totoo naman, minsan nga sinuot ko pa sa taping.”

Sino kaya kina Jake at Sam Milby ang mas nakakalamang sa puso ni Jessy? “Walang lamangan, pareho lang sila. Unit 1 si Jake, unit 2 ako sa taping kaya hindi na rin kami nagsasama. Lagi naman niyang pinararamdam thru text kung okay ako. Si Sam naman, he’s always communicating with me. Palagi kaming nag-uusap kahit nasa States siya. Nagla-Line siya sa akin, totoo, ‘yun. Nang galing siya sa States, may pasalubong siya. It’s not a big deal, may kanya-kanya silang paraan, may kanya-kanya kaming oras. Bahala na lang si Lord kung sino ang ibibigay niya sa akin. Sa ngayon, wala talaga akong nararamdaman, nand’yan lang sila, steady lang kayo d’yan. Masaya ako dahil single, dami kong project, ‘yun.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Kahit panay ang regalo sa kanya ng aktor
Jessy Mendiola, ‘di pa raw panliligaw ang ginagawa ni Jake Cuenca

Leave a Reply

Your email address will not be published.