Kahit obvious na sila pa rin Lovi Poe, super deny na nagkabalikan sila ni Ronald Singson

SUPER DENY pa rin si Lovi Poe na nagkabalikan na sila ni Ronald Singson. Ang dating Congressman ay anim na buwang nakulong sa Hong Kong sa kasong drug possession. Napaaga ang labas nito dahil sa ipinakitang good behavior sa loob ng kulu-ngan. Patuloy pa rin ang kanilang communication kahit noong time na nasa kulungan ang dating politician.

Hindi itinanggi ni Lovi na nagkikita pa rin sila ni Ronald kahit sinasabi nito na friends na lang sila. Friends ba ‘yung pinupuntahan niya sa Ilocos ang anak ni Chavit Singson at magkasama silang babalik ng Manila? Napagkikita rin silang magkasama sa mga lakaran. “We’re still friends kahit hindi na kami. Right now, concentrate muna ako sa trabaho. I’m happy sa takbo ng career ko, sunud-sunod ang project. Ayaw kong magsalita ng tapos na hindi na kami magkakabalikan ni Ronald. Tingnan natin, kung talagang kami pa rin sa dulo. Enjoy kami sa takbo ng relationship namin as friends. Walang demands, puwede mong gawin ang gusto mo na walang nagbabawal sa ‘yo. Iba ‘yung being single sa pakikpag-relasyon,” say ng actress.

Kung anuman ‘yung relationship na mayroon sina Lovi at Ronald sila lamang ang nakakaalam. Bigyan natin sila ng pagkakataon lumigaya at maging masaya sa kanilang love affair. Obvious namang very much happy ngayon ang dalaga. “Oo naman, wish ko lang magtuluy-tuloy sana ang magandang blessing na duma-rating sa akin,” turan niya.

 

BUONG PAGMAMALA-KING sinabi ni Manny Pacquiao ang pagiging relihiyoso niya. Madalas mo siyang napagkikita sa mga prayer meeting at ibinabahagi niya ang kanyang mga karanasan sa kapwa niya Christians. Ikinatutuwa ng nakararami ang pagiging malapit nito sa Diyos. Sa totoo lang, maraming pagbabago sa buhay ng ating boxing champ. Tinanggap niya ang mga pagkakamali in the past. Ang pambabae at pagsusugal. Ngayon, gusto niyang bumawi sa lost time with his family and friends.

Kinakarir ni Pacman ang pagbabasa ng Bible. Na-realize ang mga maling nagawa niya noon. Ipinangako sa sarili na titigil na siya sa boxing dahil nakasaad sa Bibliya na masama ang nakakapanakit ng kapwa kahit isang uri lang ito ng patimpalak na binabayaran siya ng milyones. Sa pamamagitan ng boxing, dito siya naging billionaire at nakilala sa buong mundo. Napag-alaman naming panay ang bigay ng donation ni Manny sa iba’t ibang Christian organization. Ang tanging pakiusap niya,huwag ng ipaalam sa ibang tao ang pagbibigay ng donasyon.

Marami ang nagtaas ng kilay sa kundisyon ni Pacman sa pagtigil sa boxing. Tatapusin lang niya ang laban kay Bradley bago siya tumigil. Naka-kontrata kasi siya sa labang ito at malaki ang kikitain niya after the fight. Manalo man siya o matalo siguradong babayaran siya. Kung ngayon siya titigil, demanda ang aabutin ng ating champion. So, let’s see kung magkakaroon ng katuparan ang mga binitawang salita ni Mr. Manny Pacquiao.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Kahit obvious na sila pa rin Lovi Poe, super deny na nagkabalikan sila ni Ronald Singson

  1. LAOS NMAN TONG POKPOK NATO KOMPARA SA IDOLLLLLLLLLLLLL KONG C MARIAN THE NUMBER 1111111111111111111 MAGANDA,MABAIT,SEXY MATALINO PSYCHOLOGY OHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA ACHECHECHECHECHECHER

Leave a Reply

Your email address will not be published.