Kahit nawawalan ng oras
Kris Bernal, nando’n pa rin daw ang relasyon nila ni Carl Guevarra

Kris-Bernal-Carl-GuevarraBUSY MAN si Kris Bernal sa taping ng Prinsesa Ng Buhay Ko, ang bagong primetime series nila ni Aljur Abrenica, hindi naman daw ito nakaaapekto sa status ng samahan nila ng rumored boyfriend niyang si Carl Guevarra. Nananatili pa rin daw special ang kanilang relationship.

“Oo. Wala namang nagbago,” sabi nga ng Kapuso actress. “Nagkikita pa rin kami. Tapos lumalabas pa rin kami kapag may time. Pero since napaka-tight kasi ng schedule ng Prinsesa Ng Buhay Ko, halos more than 24 hours akong nagta-trabaho, eh. So na-limit lang. Pero ‘yong relationship, ando’n pa rin.”

On her part parang may nabago. Dahil nga busy na naman siya sa work. At ito nga ang laging una sa priorities niya.

“Siyempre bago ang lahat, trabaho muna, ‘di ba? Sabi ko nga, kailangang intindihin nila… ng lahat… ni Carl. Kasi, hindi madali ‘yong pinagdaanan ko para maabot ito. Kumbaga, dream ko ito no’ng batang-bata pa ako. Hindi lang siya basta dream na inisip ko… balewala na lang. Talagang pinaghirapan ko.”

Si Renz Fernandez, gumaganap bilang karibal ni Aljur kay Kris sa Prinsesa Ng Buhay Ko. At marami ang nagsasabi na bagay rin silang magka-loveteam.

“Alam mo, natutuwa ako. Hindi ko ini-expect. Sa totoo lang, ‘pag bagong loveteam, lagi akong nangangapa. Lagi akong naaalangan. Kasi hindi ako sanay. Siyempre. Pero natutuwa ako. Kasi may fans club na kami. Talagang may ginawa na silang KrEnz (Kris-Renz) loveteam sa aming dalawa. At least do’n ko naramdaman din na… uy, puwede pa rin pala ako magka-spark sa ibang loveteam o sa ibang guy! Para hindi ako naiipit lang kay Aljur. Para naman maraming bago sa akin.”

Ang mommy ni Renz na si Lorna Tolentino, sinasabing natutuwa rin daw nga sa nabuong loveteam nila.

“Oo. And… kasi kinakabahan talaga ako kay Ms. LT! Sabi nga sa akin ni Renz… naku, araw-araw pinapanood ni Mama ang Prinsesa Ng Buhay Ko kapag may time siya. Ako naman… my God, may mga nasasabi ba siya sa akin?” natawang sabi ni Kris.

“Diyos ko… kinakabahan talaga ako! Siyempre, hindi lang si Renz ang tinitingnan niya. Kami lagi ni Renz ang magkaeksena. Pero natutuwa ako kay Ms. LT. Nakita ko nga siya kanina dahil isa nga siya sa judges para sa production numbers ng iba’t ibang grupo rito sa Sunday All Stars. Binabati niya kami. Gano’n. Tapos natutuwa raw siya sa akin. Kinikilig daw siya sa amin ni Renz.”

Dahil may kilig nang hatid ang tandem din ni Renz, hindi kaya ang maging ending ay may ma-develop ding kilig sa kanilang dalawa sa totohanan na?

“Uhm… hindi, eh. Trabaho muna! Hahaha! Kung si Carl nga, medyo nawawalan ako ng oras. Hindi ko na kayang mag-entertain,” ng ibang manliligaw ang ibig sabihin ni Kris.

So, si Carl pa rin talaga? “Oo.  Si Carl pa rin.”

Bakit ba nananatiling si Carl pa rin? “Siguro ang pinaka-importanteng katangian niya na nagustuhan ko talaga…  ‘yong pagiging understanding niya. Sobra! Oo. Kasi hindi lang sa trabaho. ‘Yong pag-iintindi rin niya sa family ko. Gano’n. Basta’yong pagiging malambing niya. At saka ‘yong respeto sa akin, sa pamilya ko, at sa mga desisyon ko.”

Naibalita rin ni Kris na maggi-guest siya sa concert ni Aljur na Come And Get Me na gaganapin on November 7 sa Music Museum sa Greenhills, San Juan.

“Isa ‘yan sa pinghahandaan ko ngayon. Sasayaw ako tapos may song number din ako with Aljur,” panghuling nasabi ni Kris.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.