Kahit Naudlot, Rehabilitasyon ng EDSA, Mamadaliin Pa Rin

TARGET PA rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maisailalim sa lalong madaling panahon ang rehabilitasyon ang EDSA kahit pansamantala itong sinuspinde ni Pa-ngulong Benigno  ‘Noynoy’ Aquino III.

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, mamadaliin nila ang paglalatag ng mga detalye para sa pag-aayos ng mga gagamiting alternatibong ruta at pagtatanggal ng mga harang sa hindi madaanang mga kalsada gaya ng nais ng Pangulo.

Hinihintay na aniya nila ang tugon ng mga local government units (LGUs) kaugnay ng mga kalsadang puwedeng buksan o gamiting alternatibong daan sa kani-kanilang nasasakupan.

Una nang ipinatigil pansamantala ng Pangulo ang rehabilitasyon ng EDSA dahil nais nitong pag-aralan munang mabuti ang plano lalo’t napakalaking perhuwisyo ang idudulot nito.

Araw-araw, tinatayang nasa 325,000 ang duma-daang sasakyan sa EDSA.

Samantala, sa naunsyaming planong EDSA rehabilitation, dalawang lane ang isasara na inaasahang makakaapekto sa 40-percent ng mga motorista.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.