Kahit nasa SoKor; Pork, Idinepensa ni PNoy

TODO-DEPENSA PA rin ang Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino sa kanyang presidential pork barrel na nakapaloob sa Special Purpose Fund (PSF) kahit nasa South Korea ang punong ehekutibo.

Maaalala na sa PSF nakapaloob ang mga lump sum allocation tulad ng calamity fund.

Inihayag ng pangulo sa kanyang mensahe sa harap ng Pinoy community na paraan ito ng mga nakinabang sa dating kalakaran para malinlang at mailihis ang kinakaharap na pagkakasakdal.

Sinabi ni Pangulong Aquino na desperadong hakbang na ito ng mga tinamaan ng reporma para makagulo at makalinlang.

“Malinaw po: Hindi pa tapos ang laban. Ang nakinabang sa dating kalakaran ay talagang nagiging desperado na. May nanlilinlang, may nagtatangkang iligaw tayo, may nagsisinu-ngaling para makalusot sa paghuhusga ng taumbayan. Baka maibalik pa sa dati ang kalakaran, kung saan ang nakararami ay inaapi ng iilan. Ang pakay nila: Paghiwa-hiwalayin tayong kanilang mga inapi,” ani PNoy.

Iginiit ng punong ehekutibo na walang batayan ang hirit nilang maalis ang alokasyon sa calamity fund dahil walang makapagsasabi kung kailan at kung gaano kalakas ang isang kalamidad.

Patunay raw sa kahalagahan nito ang pagtugon ng pamahalaan sa krisis sa Zamboanga at sa lindol sa Bohol at Cebu.

Paliwanag pa ng pa-ngulo na matatagalan kung aasa pa na paghingi ng pondo sa Kongreso para sa alokasyon ng calamity fund.

Unang lumutang ang pagprotesta ng mara-ming sektor sa pag-iral ng pork barrel system ng mga mambabatas at isinunod na rin ang panawagan na tanggalin na maging ang pork barrel ng pangulo.

Samantala, marami ang nangangamba na dahil sa discretion ng chief executive, ang pondo niya ay mauuwi rin na pulitika ang mabibiyayaan lamang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.