Kahit nasa Amerika: P-Noy, patuloy pa ring namumuno sa bansa

PATULOY NA PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Noynoy Aquino ang pamahalaan habang nasa Estados Unidos simula sa Lunes para sa isang official trip, ayon sa tagapagsalita ni P-Noy na si Edwin Lacierda noong Linggo.

Sa inilabas na memorandum ni P-Noy para sa kanyang mga opisyal, kasama ang isang probisyon para sa Chief Executive – “Continue to exercise all the functions of his office as enjoined by the Constitution and the laws,” ayon sa pahayag ni Lacierda sa dzRB.

Pansamantalang iniatang ng Pangulo kay Executive Secretary Paquito Ochoa ang pagpirma sa mga mahahalagang papeles na may kaugnayan sa pambansang transaksiyon.

“Each department secretary shall attend to and decide matters that pertain to his department and under which the laws he may decide. And those matters that require the approval of the President in case urgent action is needed, such approval shall be obtained by the fastest and most convenient means of communication,” ani Lacierda habang binabasa ang nasabing presidential memorandum.

Inatasan naman ni P-Noy si Vice President Jejomar Binay na pangunahan ang mga importanteng okasyon at seremonya kung saan kailangan ang presensiya nito habang nasa biyahe ito. Sagot ni Lacierda sa tanong kung ano ang nakatakdang gawin ng pangalawang Pangulo habang wala sa bansa ang Pangulo.

“And in such occasion the vice president shall be entitled to the honors and courtesies given the President of the Philippines,” dagdag pa rin ni Lacierda.

Epektibo ang nasabing memorandum sa pag-alis ni Pangulong Aquino simula Lunes ng gabi hanggang sa pagbabalik nito sa Setyembre 28.

Nakatakdang dumalo ang Pangulo sa United Nations General Assembly sa New York, pagkatapos ay tutuloy ito sa San Francisco para naman makipagkita sa ilang businessmen at investors.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.