Kahit nakipagbati na kay Luis Manzano: Angel Locsin, ‘di susukuan ni Efren Penaflorida – Boy Abunda

COULD THIS BE the start of a new love or getting back together with an old flame? Mukhang exciting ngayon ang lovelife ni Angel Locsin. She is now being linked to Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda and CNN Hero of the Year awardee Efren Peñaflorida. But many are also hoping na magkabalikan sila ni Luis Manzano.

The actress denied the rumors that she and Chito are playing sweet music together. Sinabi niya na magkaibigan lang silang dalawa. They were romantically linked to each other after they were spotted watching a movie together. Nahihiya raw siya kay Chito dahil hindi naman ito sanay sa mga intriga at kagagaling lang sa break-up nila ni Kaye Abad.

Iniuugnay rin ngayon kay Angel si Efren Peñaflorida who was smitten by Angel’s beauty and good heart. He admitted that she is his biggest crush. Nagsalita na si Angel tungkol sa isyu. “Dahil magulo ang buhay ko dahil nasa showbiz ako, ayokong iyong hope na maibibigay niya sa mga tao, maapektuhan dahil sa akin. Sinabi ko sa kanya kung ready na ba siya na harapin ang mga iyon? Gusto ko, friendship muna.” Mas maganda raw kasi kung magkakilala muna sila ng mabuti.

But it looks like the young hero is really serious in courting Angel. It was reported that Efren visited Angel at home a few times. Kinausap pa raw niya ang daddy ni Angel. Pero kagaya ng isang matapang na bayani na hindi umuurong at sumusuko sa anumang laban harangin man ng pana at sibat, Efren said he will take his chance at pursuing love. “Bago ko in-ask, bago ko in-open sa kanya iyong mga intentions ko, ready na ako. Prepared ako doon sa kung ano man ang mangyayari.”

Dahil sa balitang panliligaw ni Efren kay Angel, hindi maiiwasang magkaroon ng iba’t ibang comments mapa-Twitter man o Facebook. But Efren is “lucky” dahil nakahanap siya ng kakampi sa katauhan ni Luis Manzano. “Sa mga taong nagbababa kay Efren, sana ma-realize ninyo kung ano ang ginawa niya para sa mga Filipino,” Luis defended him.

Mukhang hindi naman threatened si Luis dahil maganda ang samahan nila ni Angel ngayon. Sinabi niya na hindi na sila nagkakailangan at wala nang galit sa pagitan nilang dalawa.

Many of their fans are hoping na sila ang magka-date sa Valentine’s Day. Maliban sa pagbabati nilang dalawa, the fans are also entertaining the possibility that their idols will reconcile lalo pa’t nakita si Luis sa set ng Kokey @ Ako na pinagbibidahan nina Angel at Vhong Navarro.

Malapit na ang Valentine’s Day, sino kaya ang makikita nating kasama ni Angel on this very special day of the hearts?

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

15 thoughts on “Kahit nakipagbati na kay Luis Manzano: Angel Locsin, ‘di susukuan ni Efren Penaflorida – Boy Abunda

  1. Please give Angel Locsin and Luis Manzano a chance to do a project together. They both look good together and undeniably have a perfect chemistry. So many people specifically the LuckyGels love and care for them so much. A lot of people are really praying that they’ll be given a chance to be a loveteam for real. Please ABS-CBN. Please grant our wish. A movie or an MMK, Your Song, PHR episode for them. Thanks ahead!

  2. hey guys!huwag naman kayong maging bitter kay gel!remember: Don’t do unto others what you don’t want others do unto you..and mind you, gel has a very good heart!kakaiba siyang babae!!!she’s always stunning.and she is certainly an angel in everyone’s lives.no doubt why millions of people love her so much!may God bless you all!!!

  3. nakoh Luis!! wag mo na ipagpilitan ang sarili mo kay angel at super obvious na she’s no longer interested in getting back with you! mas bagay si angel kay Sam Milby!!

  4. @mary and angelica bakit may breeding ka ba?at sino kang chaka ka perfect ka ba?anong binabastos?tanga ka pala eh!kayo walang modo at walang pinag-aralan….ikaw ang bastos!

  5. hayyyyyy naku ang dami pa ring bitter ky angel hindi maka move on! mamatay lang kayo sa inggit noh!!iisa lng ang ng comment dito paiba-iba lng name nilagay!

  6. Luis, wag mo na balikan yan babaeng walang breeding aka Locsin. Pumili ka ng babaeng marunong gumalang sa yo at sa nanay at pamilya mo di tulad ng babaeng yan na maski sa harap ng iba ay binabastos ka sa harap ng ibang tao.

  7. Well, If i’m EFREN i’d rather make my action silent. Wag ng magpaka showbiz pa. As if sasagutin sya ni ANGEL. Tigilan na lang niya panliligaw kay angel!

  8. Di na dapat balikan ni Luis yan Locsin na yan. Walang modo na babae, ilan beses na nga nababastos si Luis sa harap ng
    iba di pa madala dala itong si Luis. Luis, open you eyes man, di lang siya ang babae sa mundo mas marami iba dyan na karapat dapat para sa yo.

  9. busy yata si angel sa tweeter at facebook ganyan ba pag di busy sa work? goodluck sa pagbabalik sa pambatang show mo sa kokey makatulong sana si kokey na maibalik ang dating ningning ng bituin mo.

    • my god u dntknw how to use a twitter,chinese businessman k p nmn.anyway ang twitter ay pwd gmitin sa laptop or any device basta may internet kya c angel like me instead txting,twitter ang gnagamit nmin.my god wer r u on earth ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published.