Kahit nakademanda na: Chokoleit, sige pa rin ang bira kay Cristy Fermin!

TRUE KAYA ANG nasagap naming tsika na nate-turn off na ang mga advertisers kay Marian Rivera?

Ang balita pa namin, dalawang endorsement na nga raw ang hindi na magre-renew ng kontrata sa kanya. Hindi nila kasi nagustuhan ang kinasasangkutang kontrobersiya ni Marianita noong kasagsagan ng away nito kay Bela Padilla. Negang-nega raw kasi ang dating ni Darnita sa kanyang pinaggagagawa.

At lalo pang tumindi ang tsikang siya ang may kasalanan dahil na rin sa hindi niya pagkibo. Kilalang palaban si Marian, pero nakapagtatakang hindi siya pumalag sa anumang akusasyon sa kanya. Hindi niya hinarap directly ang mga sari-saring bagay na ibinibintang sa kanya.

Nabahag ba ang buntot ni Dyesebel sa isang Bela Padilla?

Anyway, napanood namin ang video clip ng pag-uusap nina Marian at Bela sa office ng isang GMA executive at kitang-kitang paglabas ng dyowa ni Dingdong na maangas pa rin ito. Obvious na obvious sa galaw nito habang naglalakad na hindi nito feel na makipagbati kay Bela. Alam niyang may camera paglabas niya pero hindi niya itinago ang may katarayang tingin habang siya ay naglalakad.

AYAW PA RING paawat ni Chokoleit sa kanyang mga banat kay Tita Cristy Fermin. Kahit na nakademanda na ay wala pa rin pala itong tigil sa pagti-tweet.

Narito ang ilang tweets ni Chokie na talaga namang punung-puno ng galit.

“Nakita ko nga yan si CURSETY LUCIFERMEAN nagba-blind item habang nagpapamasahe sa bulag! Ganyan sya kaadiik!!! Bwahahahha!!”

“Alam nyo ba na sa passport at bio data ni CURSETY LUCIFERMEAN ang nakasulat sa occupation nya ay BLIND ITEM! Bwahahhahahhahha!!!”

“Another clue? Sadyang di nya pinapakita ang ipin nya pag nagsasalita kase ang itiiiiiiim ng gilagid nya!! Siya ba si TIRISTY o CRESTYLILING?”

“Siguro naman di nya sya magtatampo at ako naman ang nagba blind item ngayon. Wahahhahaha!! I’m liking this!! If u can’t lick ‘em, join them!”

“Another clue? Nakasuhan na ng ESTAFA at na-convict na ng LIBEL at napalayas sa isang network at di pinatapos ng kontrtata nya! Wahahahhaha!”

“Another clue? Kamukha nya si SHREK sa katawan nyang makunat na CRISPY PATA ! wahahhahahahhahaha!!!”

“Blind Item: Sino itong mahilig mag blind item at di nya mapangalanan kase nga di sya sure.Clue: itago natin sa pangalang CURSETY LUCIFERMEAN”

“Ano kaya kung ang pasabog ko ay sasabihin ko sa inyo na ako ang reliable source sa mga blind item tungkol sa akin? Bwahahahhahahha!”

ITINANGGI NI CARL Gueverra na dinedma niya ang ex-girlfriend niyang si Daiana Menezes.

Nag-guest si Carl sa Eat… Bulaga! at naglaro ng Pinoy Henyo. Kitang-kita sa camera na kinakausap ni Daiana ang binata pero hindi niya ito pinansin.

“Ako, unang-una, pagkasalang ko pa lang doon kinakabahan na talaga ako, kasi first time kong maglaro ng Pinoy Henyo. Noong tinawag na kami, hindi mo na marinig ang partner mo kasi nagsisigawan na ang mga tao,” paliwanag ni Carl na kasama sa cast ng Bantatay.

Actually, hindi talaga napansin ni Carl si Daiana noong nasa stage na siya.

“Hindi ko alam. Kasi after noon, nag-usap pa kami. Bago pa ako dumating, binati ko siya. Ako, hindi ko intension ‘yon. Kasi nagsasalita si Sir Joey de Leon noon.”

Nagpasilip ng butt si Carl sa katatapos na Cosmo Bachelor’s Bash. Ibinaba niya ang likuran ng kanyang pants at tinilian naman siya ng crowd.

“Basta ako, ‘yung ginawa ko noong Cosmo, ‘yun na ‘yon. Para sa akin, daring na ‘yon. Kasi antimano paglabas ko, meron nang nag-ano. Pang-walo akong lumabas. So, ‘yung binabalak kong gawin nagawa na ng iba. Katulad noong luluhod ka sa gitna, pababasa ka. Nagawa na lahat, eh. Ginanahan ako paglabas ko sa harap. Nagtilian ang mga babae. Eh, tatlong pose ‘yun eh. ‘Yun na ang naisip ko. Hindi ko naisip na gagawin ko ‘yun. Kasi sa Bench, naka-underwear na ako nang rumampa. Kung wala akong gagawin sa Cosmo, parang ang corny ko, eh. Tapos ini-expect naman ng mga tao doon… ayokong maging KJ kasi masaya ang crowd,” esplika ni Carl.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

17 thoughts on “Kahit nakademanda na: Chokoleit, sige pa rin ang bira kay Cristy Fermin!

  1. kaaliw at talaga namang super funny itong mga twits ni chokie…yang cristy baboy shrek fermin na yan ay sinusunog na ang kaluluwa sa impyerno dahil sa mga paninirang ginagawa niya sa mga artista na hindi niya gusto at hindi nagbibigay ng datung sa kanya…GO CHOKIE, hwag matakot sa IMPAKTANG si LUCIFERMIN…bwahahahaha!

  2. Hoy Cristy Fermin and Chokoleit…magtigil kayo sa away away niyo ha! Magka-mukha na nga kayo naga-away pa kayo….dapat magmahalan kayo kasi bihira lang ang may mukhang ganyan!!!!!!!

  3. Bakit kaya kati ng bayag ko, may garapata ata, dati kasi may bed bug, baka hanip kaya..Bentong!!! asan ka ba? pakikamot naman itlog ko, please.

  4. ang sama din ng ugali ni tsoko para mgsalita ng ganun…..matapang lng siya kc may kakampi siya si kris landi……….pareho naman sila ni cf sa katotohanan nga magkamukha sila parang twin sista!

    • BIGATIN ATA KAKAMPI AT SUPPORTER NI CHOCO, SI ATE KRIS, MAMA SHARON KO, POKWANG, ABS CBN BOSSES, AT MGA BAKLANG NAGKALAT SA NETWORK. SEE?
      KAYA PO NO FEAR SIYA KAY LOLA CRISTY FERMIN. PEACE.

  5. go chocolaite! drama si lucyfermin sa juicy masyado ka daw personal tao lang daw syang nasasaktan, now ur right cristy fermin marunong ka palang masaktan… ay mali nasasaktan ka ba? bakit tao ka ba? ang alam namin halimaw ka!

  6. …..Is it true Melai and Jason plans to transfer to TV5? From the reliable grapevine, handlers are not happy the way ABS CBN billed this two shining star. They dont have real leaing roles, but always with already big stars with them all the time. As you can see, watch Impostor, Wansapanataym, Ido, Kokey.
    And you know who is the sponsor going to TV5? Willie Revillame, promising leading roles in films and tv shows. But ABS CBN hold them intact so far.

  7. hay buti naman ang natauhan na rin ang mga advertisers…eh sa dami daming sikat,..pagtitiisan pa ang palengkerang marianita,,,mang-aagaw ng jowa,,hahahah

    • ah kaya naman pala pinilipit na gawan na naman ng issue si marian tungkol sa mga ini- endorse niya dahil siya na ngayon ang billboards queen. nakaka -inggit ka na talaga marian.

  8. Oo nga, e hindi nagsasalita si Marian kaya ‘tong si Bela at ang mga alipores nya ang dakdak kaya madaming inconsistencies na lumalabas. Like yung kay Jason Abalos- he said in journal.ph he did not receive any text mesages from marian contrary to what Claire said na tinitext siya ni Marian. And then on Startalk, Bela said Marian didn’t do anything physical to her. Again, contrary to what Bela’s camp had been saying.

    Now, who’s lying at mukhang guilty? Yung lumabas mula sa kwarto na nakataas ang ulo o yung nakayuko na parang bahag ang buntot? At may gana pang humingi ng photo op ang manager nya ha!

    Marian just renewed her contract with SMDC and slated to shoot another TVC with Hapee Toothpaste. No matter what her haters say, it doesn’t really matter to us, her fans.

      • ur pathetic and so disgusting! hindi po sya super react, kino contradict lang nya ang sinusulat nga mga iresponsableng writer. d daw ni renew eh bakit last sun ang balita at nakita pumirma ng contract sa smdc.

Leave a Reply

Your email address will not be published.