Kahit nagpa-sexy na sa men’s mag
Empress, wala pa ring kadating-dating

SUMABAK NA rin sa sexy pictorial si Empress Schuck para maging cover girl ng FHM (March issue). Kahit naka-two-piece bikini ito, wala lang, walang kadating-dating. Hindi namin nakita o naramdaman sa bawa’t pahina ng men’s magazine ang kanyang sensuality bilang babae. Tulad din ng pagganap ni Empress bilang young Angel Aquino sa teleseryeng Apoy Sa Dagat. Sa bawa’t eksena nila ni Nikki Gil, hirap na hirap itong makipagsabayan sa singer- actress. Parang bang umaakting lang habang binibitawan niya ang kanyang dialogue with Nikki. Samantalang si Nikki, ‘yung intensity ng character na pino-portray niya, ramdam mo agad sa eksena, kahit reaction shot lang.

Alam naming may gustong patunayan si Empress as an actress. Kaya lang, nakukulangan lang kami. Sabi nga ng kampo ng dalaga, bitin at sandali lang ang exposure niya sa nasabing soap. Abangan daw ang susunod niyang teleserye sa Kapamilya network, ang Against All Odds with Judy Ann Santos, Sam Milby at KC Concepcion. Ibang klaseng acting power raw ang ipakikita rito ni Empress na ikagugulat namin. Sana nga…

 

HINDI MAN diretso umamin sina Maxene Magalona at Renz Fernandez, obvious naman may romansang namamagitan sa kanila. Madalas magkasama sa gimikan at social events ang dalawa. Nang makausap nga namin ang TV host-actress, excited nitong ibinalita kung gaano siya kasaya tuwing magkasama sila ni Renz.

Wala naman sagabal sa kanilang relasyon, pormal naman bumibisita ang binata sa bahay ng dalaga. Oks naman sa Mommy ni Maxene si Renz. Kung si Lorna Tolentino naman ang tatanungin, kung saan maligaya ang kanyang ana,k all out support ang ibibigay niya rito.

Nasa punto na nga si Lorna na gusto na nitong magkaapo kung sakaling magkatuluyan na nga sina Maxene at Renz. Siyempre, natural lamang sa bawat magulang ang mangarap na magkaroon ng apo na kanilang aalagaan at mamahalin. As of now, ayaw muna ni LT madaliin ang dalawa sa mga bagay-bagay. I-enjoy muna raw ng dalawa ang kanilang relationship bago isipin ang paglagay sa tahimik. Kailangang sigurado raw ang mga ito sa tunay nilang nararamdaman. Huwag magpadalus-dalos sa desisyon at siguruhing handa na sila sa panibagong chapter of their life, ang pag-aasawa.

Ayon naman kay Maxene, marami pa silang gustong gawin ni Renz, mga pangarap na gusto muna nilang magkaroon ng katuparan. At saka, nasa period pa lang sila na getting to know each other. Kailangan pa nilang mag-adjust sa isa’t isa at maging totoo sa kanilang sarili at sa taong mahal nila. Marami pang pagsubok ang darating sa kanilang buhay. Walang makakapagsabi kung sila na nga ang itinakda ng kapalaran.

Para kay Renz, napaka-special ni Maxene para sa kanya. Pinasasaya siya nito tuwing sila ay magkasama. Marinig lamang ng binata ang boses ng minamahal, nakangiti na agad ito. Magkasundo sila sa mara-ming bagay. Mabilis nilang naitatawid ang bawat topic na kanilang pinag-uusapan kaya madali agad si-lang nagkapalagayan ng loob.

“She’s so funny, grabe ang sense of humor niya. Masarap siyang kausap at napakasayang kasama. I do really enjoy her company, happy ako kapag kasama siya. Hindi niya pino-problema ang mga bagay-bagay, go lang nang go. Sabi nga niya, enjoy life, minsan lang tayo mabubuhay rito sa mundo,” say ni Renz.

 AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

8 thoughts on “Kahit nagpa-sexy na sa men’s mag
Empress, wala pa ring kadating-dating

  1. AY LATE KA NA YATA, EDDIE LITTLEBIRD. MEDYO MAY LQ YATA ANG DALAWA O NAGJIWALAY NA DAHIL SA MGA POSTS NI MAXENE SA INSTAGRAM, MUKHANG BREAK NA SILA. ITO NAMAN KASING SI MAXENE, LAGING LAMAN NG B.I. NA MAHILIG LUMAKLAK, GUMIMIK AT MAKIPAG-HANGOUT SA MGA MHIN. PARANG NAUUBUSAN NG LALAKI. 

    AT ITO NAMANG SI EMPRESS, AGREE AKO SA YO. DI KINAGAT ANG PAGPAPA-SEXY NYA SA ASAP. MEDYO MAJUBIS AT SHORT ANG MGA LEGS HA. SIGURO, DAPAT I-WORKOUT ANG LEGS.

Leave a Reply

Your email address will not be published.