Kahit Nagmamakaawa, Biktima, Tinuluyan pa rin

SA KABILA ng paulit-ulit na pagmamakaawa ng isang trabahador na huwag siyang patayin ng isa sa dalawang hindi nakikilalang suspek ay tinuluyan pa rin patayin sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Agad na binawian ng buhay sa lugar ng pinangayarihan ng insidente si Arvin Marigmen, 23, binata, trabahador, at huling nanirahan sa Gov. Pascual Ave., Barangay Tinejeros ng nasabing lungsod.

Sa pinagsamang im-bestigasyon nina SPO1 Edsel dela Paz at PO2 Jun Belbes ng Malabon Police Station, mga may hawak ng kaso, dakong ala-1:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Atis Road, Malabon City.

Nabatid na naglalakad ang biktima kasama ang dalawang kasamahan sa trabaho para puntahan ang pinagsanlaan nila ng cellphone sa nasabi ring lugar.

Naiwanan ang dalawang kasama sa paglalakad habang tuluy-tuloy namang naglalakad ang biktima patungo sa kanilang pupuntahan nang bigla na lamang na humahangos na tuma-takbong pabalik si Marigmen habang sinasabing, “Nandiyan na sila!” nagtakbuhan din ang dalawa pang kaibigan ng biktima habang may dalawang kalalakihan naman ang humahabol din sa kanila, napadpad ang biktima sa isang kusina sa gilid ng RL Graphic Arts Building sa parehong lugar kung saan ay mayroong mga kumakain na laborer.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga kumakaing laborer ngunit huli na ang lahat dahil nasa likod na niya ang dalawang lalaking suspek, agad na pinaalis ng mga suspek ang mga kumakaing laborer at sinabing iwan umanong mag-isa ang biktima na agad ding nagsialis sa takot na paputukan sila ng dalawa.

Habang nagsisilabas sa nasabing gusali ay paulit-ulit na narinig ng mga pinalayas na mga laborer ang mga katagang “’Wag po! Hindi po ako ‘yun! Maawa po kayo sa akin!” mula sa biktima. Hanggang isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong gusali dahilan upang lalong magtakbuhan papalayo ang mga ito sa takot na sila naman ang isunod ng mga suspek.

Nang masiguradong wala nang buhay ang biktima ay agad ding nagsitakas ang mga suspek bitbit ang baril na kanilang ginamit sa pagpatay. Nang malaman ng nasabing himpilan ang insidente ay agad na nagtungo sa pinangyarihan ng krimen ang mga elemento ng Crime Investigation Branch (CIB) ng Malabon City Police kasama ang Scene Of the Crime Operative (SOCO). Matapos siyasatin ay agad na inihatid ang mga labi ng biktima sa Nate Funeral Homes upang sumailalim sa awtopsiya.

 (ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.