Kahit naging masakit ang una
Nikki Gil, naniniwala pa rin sa pag-ibig

Nikki-GilI REMEMBER my exclusive interview with Nikki Gil on Bandila after her break-up with Billy Crawford. Sinabi niyang kahit hindi naging maganda ang ending ng kanyang past relationship, she still believes in love. “I still believe in love now more than ever because I am excited dahil naniniwala ako na siyempre kung ano ang itinanim mo, iyon ang aanihin mo,” sabi niya sa akin.

Ang paniniwalang ito ang matibay na pinanghahawakan ni Nikki hanggang ngayon. She sets aside bitterness and moves on. Patunay rito ang kanyang pag-amin that she is now dating a non-showbiz guy. “It felt right,” kuwento niya sa KrisTV. Nikki met the guy through their common friends.

Normal na sa isang tao na may mga standards siyang hinahanap sa taong mamahalin. Gaya ng ibang kababaihan na may kanya-kanyang ideal man, si Nikki ay may sarili ring pamantayan when it comes to guys. Dapat ito raw ay “Godly, tall and has work.” She explained, “Kapag wala iyong mga iyon, huwag na lang. Parang waste of time kung magkaiba kami ng values.”

Nikki is very consistent in her beliefs. Matatandaang differences in values ang sinabi niyang dahilan noon why she and Billy separated. Paliwanag niya noon, “It’s one of the things that napakaimportante iyon na pareho kayo ng pinaniniwalaan, pareho kayo ng values. It has to be the same otherwise it won’t work.”

It’s also important for Nikki that her special someone has a deep faith in God. “Hindi lang iyong masabi lang na nagsisimba. I want someone that actually has a deep relationship with God. At siyempre, (dapat) may endorsement ng friends.”
May pinagdaanan mang siyang pagsubok ay positibo pa rin ang pananaw ni Nikki sa buhay at pag-ibig. “Kasi parang alam mo na it’s not like that all the time. Parang ito (past) ay nagkataon lang. That love isn’t supposed to be like that. Hindi siya dapat masakit at hindi ka dapat iiyak.”

The public eagerly waits as the new exciting chapter in Nikki’s lovelife unfolds. Here’s hoping that it’s for keeps this time!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.