Kahit na naka-adult diaper… Ginang na may kapansanan sa pag-iisip, ginahasa ng manyakis na vendor

SWAK SA kulungan ang manyakis na vendor matapos nitong gahasain ang isang 43-anyos na ginang na may kapansanan sa pag-iisip kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Nakapiit ngayon sa detencion cell ng Navotas Police at nahaharap sa kasong Rape ang suspek na si Gobito Barro, 38, may-asawa, ng Evacuation Center Phase 2 Area 2, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod.

Ayon sa saksi na si Jun-jun (di-tunay na pangalan), inutusan siya ng kanyang tiyahin na silipin sa kanyang kinahihigaan ang biktimang si Trizia (di-tunay na pangalan).

“Nakita ko po si Mang Gobito na itinaas na ang damit ni Trizia at saka tinanggal po ang suot nito na diaper, tapos po naghubad din siya (suspek) at ipinasok ang kanyang ari,” ani pa ni Jun-jun.

Dito, agad na humingi ng tulong si Jun-Jun sa kanyang mga kamag-anak na naging dahilan ng pagkakadakip sa suspek.

Nabatid na ang biktima ay may kapansanan sa pag-iisip.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.