Kahit May Tax Case; Parangal Kay Pacquiao, ‘Di Babawiin

WALANG BALAK ang Kamara na bawiin ang parangal kay Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao kahit hinahabol ito ng BIR dahil sa ilang tax issues.

Sinabi ni House Speaker Sonny Belmonte na ibibigay pa rin nila ang resolusyon ng parangal bilang pagkilala sa naging tagumpay nito sa nakaraang laban sa boksingerong si Brandon Rios.

Iginiit din ni Belmonte na hiwalay na isyu ang tagumpay ng Pambansang Kamao sa tax case nito kaya hindi ito dapat iugnay sa isa’t isa.

Umaasa ang House leader na mareresolba ni Pacquiao ang nasabing tax issue sa lalong ma-daling panahon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.