Kahit may plunder case
Alcala at Calayag, ‘Di Tatanggalin ng Palasyo

MANANATILI PA rin sa posisyon sina Agriculture Sec. Proceso Alcala at NFA administrator Orlan Calayag kahit pa pormal nang sinampahan ang mga ito ng kasong plunder sa Office of the Ombudsman hinggil sa umano’y maanomalyang pagbili ng overpriced na Vietnam rice.
Base sa reklamo ni Atty. Argee Guevarra, umaabot umano sa P457 milyon ang naibulsa nina Alcala at Calayag mula sa nasabing importasyon na nagkakahalaga ng mahigit P4 bilyon.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Sonny Coloma, dadaan sa legal na proseso ang kaso ng dalawang opisyal kung saan ibeberipika pa ng Ombudsman ang reklamong isinampa sa mga ito.
Inihayag din ni Coloma na hindi nila hihikayating mag-leave muna sina Alcala at Calayag dahil sa hindi naman ito nasasaad sa batas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.