Kahit may kaso; Pacquiao, pinarangalan ng BIR

KABILANG SA mga awardees bilang District’s Top Taxpayers Income Taxpayers ng Bureau of Internal Revenue (BIR) GenSan office ang mag-asawang Sarangani Rep. Manny Pacquiao at Sarangani Vice Gov. Jinkee Pacquiao base sa calendar year 2012.

Ang mag-asawa ay makakatanggap ng plaque of recognition kasabay ng Regional Tax Campaign kick-off program na nakatakda sa Pebrero 24, 2014 sa isang convention center sa nasabing lungsod.

Ito’y dahil sa malaking buwis na ibinayad ng mag-asawang Pacquiao sa BIR.

Dahil dito inimbitahan sila na dumalo sa nabanggit na aktibidad.

Ang pagkilala kay Pacman ay sa kabila ng kasong tax evasion na inihain ng BIR.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nagreklamo pa ang Pambansang Kamao matapos na magpalabas ang ahensiya ng “warrant of distraint and levy” laban sa mga bank account ng boksingero dahil sa hindi umano nito pagbayad ng tamang buwis.

Noong buwan ng Disyembre lumutang ang nasabing isyu na umano’y nagkasundo na umano sina Pacquiao at BIR sa isang out-of-court negotiation para sa P2.2 bilyon na sinasabing hindi nabayarang buwis. Dahil sa negosasyon kaya’t naglabas ang Court of Tax Appeals (CTA) ng gag order. Base sa ilalim ng tax code, pinapayagan ang tinatawag na compromise settlement.

Nauna nang naghain ng petisyon si Pacquiao sa CTA na kinukuwestyon ang BIR sa paghahabol sa P2.2 bilyon na buwis. Pero noong buwan ng Enero pinanindigan ng ahensiya na umaabot pa rin sa halos P2 bilyon pa ang utang sa buwis ni Pacman. Sa kabila ito nang pagbayad ni Manny ng P32 milyon.

Inihayag ni BIR Commissioner Kim Henares na pinal na ang kanilang computation na P2.2 bilyon na tax deficiency ng dating kampeon.

Sinabi pa ni Henares na ang ibinayad ni Pacquiao ay kabayaran lamang sa value added tax (VAT) surcharges na bahagi ng utang sa buwis ng kongresista para sa taong 2008 at 2009.

Dahil sa naturang kautusan ay hindi maaring magamit ni Pacman ang kaniyang salapi sa mga bangko na sakop ng nabanggit na direktiba.

Samantala, una nang iginiit ni Pacquiao na nagbayad siya ng tamang buwis mula sa kaniyang mga laban kina Ricky Hatton, Oscar de la Hoya, David Diaz at Miguel Cotto sa Estados Unidos, na may inisyu pa umanong dokumento ang kanyang promoter na Top Rank na isinumite sa ahnesiya para patunayan na naibawas ng US Internal Revenue Service (IRS) ang buwis mula sa kinita nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Kahit may kaso; Pacquiao, pinarangalan ng BIR

  1. Pingback: Kahit may kaso; Pacquiao, pinarangalan ng BIR - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.