Kahit may kanya-kanyang lovelife: Sam Milby at Toni Gonzaga, nakakikilig pa rin ang tandem

NAKAKATUWANG PANOORIN SINA Toni Gonzaga at Sam Milby sa The Buzz nang mag-guest kamakailan ang aktor sa show. Although they were linked together in the past ay makikita mong wala silang ilangan sa isa’t isa. They have become good friends.

Subok na ang tibay ng tandem nina Toni at Sam sa takilya at telebisyon. Patunay lamang dito ang mga pelikulang You Are The One, You Got Me, My Big Love at Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round na pawang mga blockbuster hits. Ano nga bang meron sa kanilang tambalan at kahit wala silang relasyon sa totoong buhay ay patok sila sa mga fans? Siguro nga ay may mga tao talagang nakakikilig panoorin na magkasama onscreen because they look good together and they have great chemistry. At kabilang dito ang tambalang Toni at Sam.

During his interview, nagkatuksuhan sina Sam at Toni dahil muling nabuksan ang tungkol sa kanilang nakaraan. “Nu’ng single ako nilaan ko talaga ang panahon ko sa ‘yo pero at that time busy si Sam, andami niyang ginagawa. Na-distract ka din. There were distractions along the way,” sabi ni Toni.

Siyempre ay hindi naman nagpatalo si Sam at humirit siyang kahit si Toni ay naging busy rin. Aware din daw si Toni kung ano ang nararamdaman ni Sam sa kanya noon. Biniro ni Toni si Sam kung bakit ngayon lang ito nagsasalita kung kailan may kanya-kanya na silang buhay and Toni is happy with Direk Paul Soriano. Of course, everything is now in the past pero hindi pa rin minsan maiiwasang isipin na what if naging sina Toni at Sam nga noon.

On his part, Sam is now being linked with Marie Digby, the acoustic singing sensation on the internet, who is supposed to be the new girl in Sam’s life. He said that they are not yet an item pero lalo raw silang naging close ngayon. “I do like her, napakabait talaga. Maganda. Talented.” If they become a real couple, it will be a long distance relationship because Marie is based in the US.

Paano ba sila nagkakilalang dalawa? Marie had a concert in the Philippines last year at doon sila nagkakilala ni Sam. Nag-date sila twice pero bumalik na sa US si Marie. Sam also confirmed that they went to Boracay. Until now they call each other over the phone.

Ano kaya ang kahahantungan ng relasyon nina Sam at Marie? Abangan na lang natin.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

8 thoughts on “Kahit may kanya-kanyang lovelife: Sam Milby at Toni Gonzaga, nakakikilig pa rin ang tandem

  1. OO NGA PALA, ISA ANG PINSAN KO SA MGA CO-ORDINATOR NANG EVENT SA YERBA BUENA ISLAND. GANDANG GANDA SILA KAY TONI AT ANG BAIT BAIT RAW. SAYANG, HINDI AKO NAKAPANOOD NANG SHOW PERO I WAS ABLE TO GET A GLIMPSE OF HER. TALAGANG MAGANDA.

  2. SIGURO, MARAMING MATUTUTUNAN SI BINOE SA TANDEM NI SAM AND TONI. HINDI KAILANGAN ANG RELATIONSHIP PARA SUMIKAT . ANG GINAWA NI BINOE AT MARIEL, TINUTUO NILA FOR PUBLICITY TO A POINT NA NANAPAK AT NANAKIT SILA NANG KAPWA. AYAN TULOY, BAGSAK ANG DALAWA. PROFESSIONALISM IS THE KEY WORD NA WALANG WALA KAY BINOE AT MARIEL. SI TONI, PROFESSIONAL. HINDI NAGSALITA NANG MASAMA NANG AYAWAN NI BINOE. WE CAN’T WAIT TO SEE TONI’S MOVIE WITH JOHN LLOYD CRUZ AND WE ARE ALSO WAITING TO SEE HER “KOKEY” SHOW. IT WOULD BE GREAT IF SHE PAIRS AGAIN WITH SAM MILBY OR A MOVIE WITH PIOLO PASCUAL. LOVE YOU TONI. MY COUSINS ENJOYED YOUR RECENT US TOUR.

  3. Mahirap makahanap ng loveteam na sobrang nakakakilig katulad ni Toni at Sam. Let’s face the truth, the HIGHEST GROSSING FILM OF SAM is WITH TONI GONZAGA.

  4. Oh come on..who thinks about that every one knows how incredible the chemistry between SAM and TONI..how could you say that they were fooling their fans when they dont even have a project together..

  5. I always love SamTin team-up since I saw them in You Are The One 5 years ago. Their chemistry were undeniable and I will always be a fan of them.

    Once a Samtinner, will always be a Samtinner! More good projects coming their way because they truly deserve it! =)

    Sana, a movie coming up next year? I rally hope so.

  6. HINDI NA MAGCLICLICK SAM TONI TANDEM, PARANG NAKAKALOKO NA, LOOKS LIKE INUUTO NA MGA FANS. SI TONI MAY BF NA, NIREJECT NI BINOE DAHIL KAY MARIEL. SI SAM NAMAN, FREE LANCER DATING, KAHIT SINO OKEY LANG, PERO NAKAKAUMAY NA. DAPAT SI TONI CONCENTRATE NA LANG SA HOSTING. MAS OKEY KUNG PAPALITAN NIYA SI KRIS SA WIN NA WIN, SOBRANG BABA KASI RATINGS NOW.

Leave a Reply

Your email address will not be published.