Kahit may fish kill, isda sa Navotas, ligtas kainin

TINIYAK NI NAVOTAS City Mayor John Rey Tiangco sa publiko na ligtas kainin ang mga isdang mabibili sa Navotas Fish Port kahit na nagkaroon ng fish kill sa Batangas at Pangasinan.

Hindi dapat mangamba ang publiko sa pagbili ng isda sa Navotas Fish Port dahil tiyak na hindi ito kontaminado ng anumang lason o mikrobyo kasunod ng malawakang fish kill sa dalawang lalawigan, ayon kay Tiangco.

Napag-alaman na ang Navotas Fish Port ang pinakamalaking bagsakan ng isda kung saan ay nabibili rito ang malakihang bulto ng mga lamang dagat na itinitinda naman sa mga palengke sa Metro Manila at iba pang karatig na lalawigan.

Sinabi rin ni Tiangco na 80 porsiyento ng isdang itinitinda sa kanilang fish port ay nagmumula sa Mindanao at Palawan habang ang 20 porsiyento naman ay nanggagaling sa Visayas.

Aniya, lahat ng klaseng isdang ibinabagsak sa Navotas Fish Port ay nakatala kung saan ito galing base na rin sa pamantayang itinakda sa pangingisda sa bansa.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.