Kahit May Bagong Oil Price Hike, Hirit na Bawas-Pasahe, Tuloy

WALANG ATRASAN ang hirit ng National Council for Commuters Safety and Protection (NCSSP) na rollback sa pasahe sa mga jeep, bus at taxi  kahit pa may panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo kahapon ng umaga.

Ayon kay (NCSSP) President Elvira Medina, kahit nagtaas ngayon ang presyo ng produktong petrolyo, mas mura pa rin ang halaga ng kada litro ng diesel na P36 hanggang P37 kaysa sa P46 hanggang P47 noong humingi ng provisional increase na P0.50 ang mga pampasaherong jeep.

Giit niya, 50-sentimos lang naman ang hinihingi nilang bawas-singil o katumbas din ng provisional increase. Ibig sabihin, ibalik sa P7.50 ang kasalukuyang P8.00 na minimum na pasahe sa jeep.

Sinabi ni Medina na malaki na ang ibinaba sa presyo ng mga produktong petrolyo nitong mga nakalipas na linggo na aabot na sa P9.00 kaya napapanahon na ang bawas-pasahe.

Bukod sa pasahe jeep, nais ng grupo na ibaba ng P1.00 ang pasahe sa bus para maging P9.00 ang minimum na pasahe sa ordinary, habang P11.00 sa airconditioned.

Samantala, P5 naman ang hiling nilang kaltas sa flagdown rate ng taxi para pumatak na lamang ito sa P35, partikular sa Metro Manila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.