KAHIT MALAYO SA DYOWA: Yam Concepcion, kayang tiisin ang LDR para sa pag-ibig!

Yam Concepcion

MAY FRIENDSHIP naman pala sina Yam Concepcion at ang leading man niya si Paolo Ballesteros. Ito ang reason kung bakit siya ang ni-recommend ni Pao sa kanya para maging leading lady niya sa bagong romcom movie ng Viva Films na Amnesia Love.

Yes, si Pao ang nag-endorse kay Yam sa produksyon para makapareha niya sa movie.

Sa launch ng pelikula, kitang-kita mo ng pagiging friends ng dalawa.

Natural na natural si Pao sa kilos niya na hindi ito nagiging conscious.

Kumbaga, kering-keri ng chemistry ng dalawa off-cam para hindi sila maasiwa.

Sa katunayan, dahil sa shooting nila sa Zambales ay mas naging close sila. Chummy-chummy dahil sa isla kung saan sila nag-shoot ay walang telcom signal kaya sila-sila ang magka-tsismisan.

Kuwento ni Yam na mahirap puntahan ang location nila.

“Mahirap ang working conditions kasi wala namang proper accommodations dun sa island, pero okay lang kasi game lahat ng kasama namin sa shooting, lalo na si Paolo,

“It’s really a privilege to be paired with him kasi nanalo na siya ng best actor awards locally and internationally. At utang na loob ko sa kanya ang pelikulang ito kasi siya mismo ang pumili sa akin na maging leading lady niya,” kuwento ni Yam tungkol sa kapartner.

Nagkasama sina Yam at Pao sa peliukula na “Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend” na pinagbidahan nina Anne Curtis, Dennis Trillo at ng komedyanteng host ng Eat Bulaga.

Ang kuwento ng pelikula ay naaksidente si Paolo na inanod sa isla kung saan doon nakatira sina Yam kasama ang mga magulang nito na sa paggising niya ay nagkaroon ito ng total amnesia na from a beking-beki na si Paolo at nagising at naging lalaking-lalaki na ito.

Sa ngayon ay romantically committed si Yam kay Miguel CuUnjieng na naka-based sa US at nagwo-work sa isang bank.

Dahil love na love ni Yam ang boyfie, kahit LDLA (love distance love affair) ay okey lang sa kanya.

”It’s a long distance love affair, but carry naman. Three years na kami.. one month and three days.” sabi ng dalaga during the launch.

Sa February 28 na ang showing ng Amnesia Love nationwide.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.