Kahit magkaiba ng pananaw sa RH bill
Aiza Seguerra, ipinagtanggol si Sen. Tito Sotto

MAGKAIBA MAN ang pananaw hinggil sa usaping RH Bill, nakiusap si Aiza Seguerra na magrespetuhan sa isa’t isa.

“Hindi porke pro-RH bill ka or anti-RH ka ay kailangan na nating mag-away-away. Hindi naman tama iyon. May kanya-kanya tayong isipan at paniniwala, sana igalang natin iyon,” pahayag ni Aiza kaugnay sa pambabatikos na ginagawa kay Senator Tito Sotto hinggil sa usaping plagiarism.

Ayon kay Aiza, hindi man iisang dugo ang nana-laytay sa kanila ni Tito Sen, minahal niya ito at nasasaktan siya sa mga akusasyong ibinabato sa actor-politician.

“Huwag na, tama na. Sa halip na mag-away-away tayo, pag-isipan na lang natin kung paano uunlad ang ating bansa,” sabi pa uli ni Aiza na magkakaroon ng big concert sa darating na Septembert 28 (Friday) sa Araneta Coliseum.

ang titulo ng concert ni Aiza, dahil 25 years na rin siya sa industriya mula pa noong sumali siya sa Little Miss Philippines, kung saan ay makakasama niya bilang guest sina Vic Sotto, Joey de Leon, The Company, Martin Nievera, Gary Valenciano, at Gloc 9. At siyempre naroon ang buong grupo ng Eat Bulaga, partikular na sina Wally and Jose. Kaya kita kitz na lang po tayo sa Araneta.

 

HINDI NA mahalaga kay Heart Evangelista, kung siya man ang unang lumapit kay Marian Rivera at nakipagbati. Hindi na rin big deal sa dalaga kung sa ngayon ay friends na uli sila ng dati niyang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

“Ang importante rito, masaya ako at walang kaaway. Mas maganda iyon, ‘di ba?” sabi ni Heart nang kausapin siya ng Pinoy Parazzi.

Ayon kay Heart, mas magaan ngayon ang kanyang buhay dahil bukod sa wala siyang iniisip na mga taong galit sa kanya o kinasasamaan niya ng loob, very smooth daw ang kanyang lovelife. Hindi man tahasang sinabi ni Heart na malaki ang pitak sa kanyang puso ni Sen. Chiz Escudero, obvious na may relasyon na sila.

“No! Huwag naman nating pangunahan ang sitwasyon. Kumbaga, nandito pa lang kami sa stages na getting to know each other at kuntento muna ako doon,” sabi pa uli ng dalaga na willing i-give-up ang kanyang showbiz career sa sandaling matagpuan na ang lalaking magmamahal at mamahalin niya habang buhay.

Wala na ring nakikitang dahilan si Heart kung sakaling makasama niya uli sa isang project si Marian Rivera.

“Kung anuman ang mga nangyari sa amin noon ay kinalimutan ko na, same with Daniel. Ang maha-laga, maayos na ang lahat at wala nang problema,” pagwawakas ni Heart.

 

TULOY DIN pala ang pagtakbo ni Aiko Melendez para sa pagbabalik-konseho niya, habang si Roderick Paulate kahit naintriga pa sa isyu ng ghost employees, mananatiling panghahawakan ang pagka-councilor sa Quezon City.

“Ang hirap kasi sa ilan nating kababayan, ang nakikita nila ‘yung mga bagay na hindi magaganda, pero ang magaganda ay hindi napapag-usapan. Ako, wala akong itinago sa publiko. Malinis ang konsensiya ko, kaya wala akong dapat ipaliwanag sa kung anuman ‘yung mga negatibong ibinabato nila sa akin. Ang mahalaga ay gumagawa ako ng tama at maayos para sa ating mga kababayan,” sabi ni Roderick nang kausapin namin siya sa Dolphy Alay Tawa na ginawa sa SM MOA Arena.

Maging si Yul Servo, nakausap din namin at nagsabing tuloy pa rin ang pagtakbo niya sa dara-ting na election, samantalang si Dennis Padilla ay pinaghahandaan na ang muli niyang pagsabak sa pulitika para naman sa Caloocan.

Inaasahan na higit na magiging makulay ang 2013 elections sa showbiz, dahil sina Governor Vilma Santos ng Batangas,Laguna Governor ER Ejercito, Dan Fernandez ng Laguna, at Bulacan Vice-Governor Daniel Fernando ay hindi rin aatras sa laban. Patuloy nilang yayakapin kung anumang posisyon meron sila ngayon.

Si Angelica Jones na bokal sa Laguna nang sadyain namin sa kanilang bahay matapos makapanganak, nagsabi na, “Kahit ganito ang nangyari sa akin. Kahit iniwan ako ng lalaking minahal ko at ama ng aking anak, alam kong mahal pa rin ako ng aking mga kababayan. Dahil alam nila kung paano ako nagserbisyo.”

Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

loading...

2 thoughts on “Kahit magkaiba ng pananaw sa RH bill
Aiza Seguerra, ipinagtanggol si Sen. Tito Sotto

Leave a Reply

Your email address will not be published.