Kahit mag-Inglesan na parang sosyal
Mga Barretto, super cheap sa batuhan nila ng mga baho

UMABOT NA sa mapanghinging banyo ang awayan ng mag-pamilya Barretto.

Kampi-kampihan na sila. Lahat sila walang kasing panghi ng iniihi nila at idinudumi sa publiko.

Si Claudine, kakampi niya ang mga magulang at nakatatandang kapatid na si Gia while si Gretchen, kakampi ang nakatatandang kapatid na si Joaquin (Jay Jay) at Marjorie.

Tapunan na sila tae at ihi na masasangsang na bilang mga mga balahurang mga tao, enjoy na enjoy nila na magsiraan sa harap ng publiko.

Itong ina nila na si Mommy Inday, ayaw pa ring tuimigil at bumubula pa rin ang bibig sa pagsasalita ng kung anu-ano na nakasisira sa kanyang anak.

Kung matino ba naman bilang ina, siya dapat ang pacifier sa awayan ng mga anak niya. Huwag siyang pumanig, siya ang pumagitan kung ano man ang alitan nina Claudine at Gretchen.

Pero sa awayan ng dalawang kampo, napansin n’yo ba na nagsalita si Gretchen para ipagtangol ang kanyang sarili?

Magaling si Greta o kung sino man ang kumakamada behind Gretchen’s move to keep mum on the word ward. Sila-sila ang nag-aaway na sa bandang huli, imahe pa rin ni Gretchen na sosyalera, hindi mapagpatol, tahimik at may respeto sa kanyang ina at nakatatandang mga kapatid ang lulutang pagkatapos ng giyera.

Ang nagsasalita at dumedepensa sa kanya ay ang kapatid niyang si Joaquin; ang kaibigan at dating classmate niya sa Colegio de San Agustin-Makati na si Tanya Montenegro (na inaakusahan ni Mommy Inday na binayaran ni Gretchen); si Robbie Tan at Mother Lily Monteverde na mga movie producers niya.

Pero sa kampo ni Claudine, sino ang dumedepensa sa kanya at sa estado nila nina Mommy Inday at Gia laban sa kampo ni Gretchen? Si Mommy Inday lang at si Gia na may tonong yabang ang dating sa amin ng isa-isahin niya ang mariwasang buhay nila noon na pinabulaanan naman ni Tanya sa isang taped interview nito sa The Buzz last Sunday.

Hindi titigil ang batuhan ng masasangsang na bala laban sa kanya-kanyang kampo kung hindi titigil si Mommy Inday at sabihin sa mga anak na tumigil na.

Dapat mamagitan na at magsalit na ang ama nina Claudine at Gretchen at iparamdam ang papel niya sa pamilya na siya ang ama nila (kung may respeto ang mga anak sa kanya).

Bago mangyari ito, the mother should make a stop. Tigilan na ni Mommy Inday ang pagpuputak laban katy Gretchen para wala nang sasaguting issue si Joaquin in defense of his younger sister.

Sa totoo lang, after this scandal, ano pa kaya maipagmamalaki ng Barretto family sa publiko na ang mga tagamasid, naaawa man sa kanilang mga sitwasyon ay natatawa na lang.

Inglesan man sila ng Inglesan sa kanya-kanyang mga akusasyon at depensa na nagmumukhang sosyal nga naman, pero iisa pa rin ang sasabihin namin, ang mga Barretto, SUPER CHEAP!

 

PARANG KAILAN lang na minsan, naging malaking selebrasyon ang naganap sa Ormoc City kung saan ginawa ang kasal ng isang simpleng probinsiyana na si Lucy Torres at ang sikat na artista na si Richard Gomez noong 1998.

It was 15 years ago last Sunday nang ikasal sina Lucy at Goma sa isang tahimik na lunsod sa Kabisayaan na binulabog ng mga taga-showbiz nang dumalo ang mga kaibigang artista ni Goma sa kanyang kasal.

Noong Sunday, simpleng selebrasyon lang ang naganap na nagsimba lang ang mag-asawa kasama ang anak na si Juliana sa simbahan kung saan sila ikinasal.

Busy kasi ang mag-asawa sa kanilang pangangampanya para sa mid-term elections na almost 15 days na lang kung saan Lucy is running for reelection while Goma naman as Mayor of Ormoc.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

3 thoughts on “Kahit mag-Inglesan na parang sosyal
Mga Barretto, super cheap sa batuhan nila ng mga baho

  1. talagang super cheap ng pamilyang barretto nyan, mga pasosyal ngalang cla pero daig paang mga palengkera at balahura sa mga skwater  sa awayan nila…sosyal na away ngalang….at ang pinagmulan ng away e dhil lng sa post daw ng isang basher na my sinabi dawna hindi mararating ni juia ung naabot ni claudine  sa showbis…na inisip dawni  greta at marjorie nasi claudine un at sinagot na ng kung ano- ano….at boom lumaki na ng lumaki….oo nga no my mukha pa kya clang pinapakita sa publik…sbagay makakapal nman mukha nila lalo nasi greta na puro bottocks na…c claudine nman e baliw2 din nman matagal na…

  2. Kawawa naman si Gretchen!!! Question lang? Bakit ganoon na lang ang pag-kasuklam  nang Nanay ni Gretchen,.BAKIT SOBRA ANG PAG-MAMALTRATO NIYA KAY GRETCHEN AT SINABI PA NIYA ANG INCOME NI GRETCHEN SA PAG-AARTISTA NIYA. LATER KUMIKITA NA SI GRETCHEN NANG 100,000 PESOS MALAKI NA IYON DURING 80′S..Anak ba niya si Gretchen? Nagtatanong lang po, Kasi BAKIT GANOON KUNG TRATUHIN ng isang Ina ANG ANAK?, Kahit gaano niya ka favorite and isang ANAK , KAHIT KAYLAN HINDI SIYA PA-PABOR SA ISA.   Nakita nyo naman kung ano ang ginawa nang mag-asawa at isang friend nila kay Mr. Tulfo…Na parang MATON si Claudine doon., at ang pobreng si Raymart nadamay pa sa kabaliwan nang asawa niya.  Gretchen Hang on ka lang. Mas maraming naniniwala sa version nina  JJ, Mrs Monteverde, sa Seiko Producer at kay Tania na friend mo since grace school. Don’t worry Si GIA is Nothing kahit pa gaano kataas ang pinag-aralan niya, wala siyang utang na loob , kaya ngayon Mag-ingat ka na , Na kahit kapatid mo, na natulungan mo nang maraming beses minsan ka lang huminde..masama ka na, I GUESS YOU LEARNED YOUR LESSON NOW. MODERATE KA LANG SA PAG-TULONG , LALU NA KUNG NAKAKARAMDAM KA NA,  NA GINAGAMIT KA LANG. For Dominique..take care your Mom…Sa ngayon ikaw at si TC ang lakas niya. Sana Matapos na ang lahat.!! AT sana din Tulungan nyo ang kapatid nyong si Claudine at Nanay Nyo na dalhin..kung saan puwede silang tulungan.

  3. Kawawa naman si Gretchen!!! Question lang? Bakit ganoon na lang ang pag-kasuklam noon Inday na Nanay ni Gretchen.BAKIT SOBRA ANG PAG-MAMALTRATO NIYA KAY GRETCHEN AT SINABI PA NIYA ANG INCOME NI GRETCHEN SA PAG-AARTISTA NIYA. LATER KUMIKITA NA SI GRETCHEN NANG 100,000 PESOS MALAKI NA IYON DURING 80’S..Anak ba niya si Gretchen? Kasi BAKIT GANOON KUNG TRATUHIN ng isang Ina ANG ANAK?, Kahit gaano niya ka favorite and isang ANAK , KAHIT KAYLAN HINDI SIYA PA-PABOR SA ISA.   Nakita nyo naman kung ano ang ginawa nang mag-asawa at isang friend nila kay Mr. Tulfo…Na parang MATON si Claudine doon., at ang pobreng si Raymart nadamay pa sa kabaliwan nang asawa niya.  Gretchen Hang on ka lang. Mas maraming naniniwala sa version nina Mrs Monteverde, sa Seiko Producer at kay Tania na friend mo since grace school. Don’t worry Si Gia is Nothing kahit pa ga-ano kataas nag pinag-aralan niya wala siyang utang na lood , kaya ngayon Mag-ingat ka na , Na kahit kapatid mo na natulungan mo nang maraming beses minsan ka lang huminde..masama ka na, I GUESS YOU LEARNED YOUR LESSON NOW. MODERATE KA LANG SA PAG-TULONG , LALU NA KUNG NAKAKARAMDAM KA NA,  NA GINAGAMIT KA LANG. For Dom..take care your Mom…Sa ngayon ikaw at si TC ang Strenght niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.