Kahit lumipat na ng istasyon ang direktor Marian Rivera at Direk Mac Alejandre, ‘di nagbago ang friendship

SA PRESSCON ng Nandito Ako na ipapalabas on February 20 pagkatapos ng Wil Time Big Time, kinumpirma ni Direk Mac Alejandre na pumirma na siya four-year exclusive contract sa TV5 pagkatapos ng halos 12 taon niya bilang direktor sa mga pelikula at shows ng GMA, kung saan huling dinirek niya rito ay Amaya.  

Agad naming tinanong kung ano ang rason niya sa paglipat. Ayon kay Direk Mac, dalawa ang naging batayan niya sa ginawang pag-alis: una ay security at ikalawa ay growth. Ipinagtapat sa amin ni Direk Mac na sa loob pala ng 12 taon niya sa Kapuso Network, inalok lamang siya ng director’s contract nu’ng nakaraang taon lang, kum-para sa ibang direktor na may directo’rs contract sa GMA, may counter-offer ito sa kanya na maganda naman sa aspetong security pero naniniwala siya na mas marami siyang bagong magagawa sa nilipatang istasyon.

Nang tanungin namin kundi ba siya na-offend na in-offer-an ang iba na magkaroon ng director’s contract sa GMA, pero siya ay nu’ng nakaraang taon lang, siniguro sa amin ni Direk Mac na hindi siya na-offend, pero isa ito sa naging kunsiderasyon niya kung bakit siya lumipat.

Balita rin na dumalaw si Marian Rivera, malapit na kaibigan ni Direk Mac, sobrang ikinatuwa ng direktor ang ginawang pagdalaw ng isa sa malalapit na kaibigan sa GMA na tinuturing na rin na parang anak. Nangako naman ang aktres na magkikita silang dalawa, pero ‘di inasahan ni Direk Mac na agad-agad ito, kung saan dinalhan siya ni Marian ng paboritong pastries niya.

Bago pa man pumirma sa TV5 ay magka-text sila ng aktres, nalungkot man sa pag-alis sa GMA ay suportado naman ng aktres ang naging paglipat ni Direk Mac, kung saan nagbigay-pahayag ang direktor na nagbago lang siya ng network pero ‘di magbabago ang pagkakaibigan nila ni Marian.

Puring-puri ni Direk Mac ang buong casts ng Nandito Ako lalo na sina David Archuleta, Eula Caballero at Jasmin Curtis Smith. Para sa direktor ay masarap hawakan ang mga baguhang alam kung ano ang gusto nilang gawin sa career nila at nandu’n ang passion para ma-rating ang mga pangarap ng mga ito sa buhay. Kahit ito ang kauna-unahang serye ni David, puring-puri ni Direk Mac, hindi lang ang kabaitan at kababaang-loob ni David, kundi pinaghandaan pala nito ang role kung saan nag-workshop ang American Idol 7th runner-up sa Los Angeles, bago ito lumipad ng bansa para sa nasabing mini-serye.

 

KASAMA RIN sa casts ng Nandito Ako si Alwyn Uytingco na gaganap naman bilang matalik na kaibigan at confidante ni David Archuleta. Masayang-masaya dahil ‘di nawawalan ng trabaho sa TV5, sa loob ng tatlong taon as exclusive contract ng Kapatid Network, ‘di nabakante ang aktor at tuloy-tuloy siyang napapanood  sa mga shows ng nasabing network.

Agad naming tinanong ang balitang nagkabalikan daw sila ng girlfriend na si Jennica Garcia. Klinaro naman sa amin ng young actor na never silang nag-break ng girlfriend at pinagtatakhan niya nga kung bakit ito kumalat dati. Aminadong dumaan sila sa stage na madalas ang kanilang mga argumaneto at pagtatalo, pero hindi ito nauwi sa break-up gaya ng nabalita.

Natutuwa rin sa sinabi ni Ms. Jean Garcia, ina ni Jennica, na boto na ito sa kanya, masaya si Alwyn na kung dati ay hindi siya masyadong gusto ng aktres para sa anak, ngayon ay maganda na ang ipinapakita sa kanilang dalawa, kung saan ayon kay Alwyn  ay napatunayan na niya siguro rito na mahal at malinis talaga ang intensyon niya kay Jennica.

 

GUSTO NAMING i-congratulate ang buong casts, production crew, si Direk Enrico Santos at sila Maja Salvador, Xian Lim at Matteo Guidicelli dahil nasa 2nd week na ang My Cactus Heart. Magaganda ang reviews at feedbacks sa pelikula, kung saan marami ang naka-relate at kinilig sa nasabing pelikula na napatunayang may followers na talaga ang tambalang Maja-Matteo at maging si Xian.

Patunay lamang ito na patuloy ang ABS at Star Cinema sa pagtuklas at pagbibigay ng mga artistang mahuhusay, de-kalidad na mga pelikula at shows na tatangkilikin talaga ng publiko at manonood.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Related Post

loading...

11 thoughts on “Kahit lumipat na ng istasyon ang direktor Marian Rivera at Direk Mac Alejandre, ‘di nagbago ang friendship

  1. @tirador ng bading sa circle – LANGYA DI KA NA NAMAN NAKAKAIN NG BAHAW ANO? OR WALA KANG NAHADA KAGABI KAYA GANYAN KA NA NAMAN MAG-ISIP?…….HAHAHAHAHAHA……….KAMUTIN MO NA LANG YANG BETLOG MO MAGHAPON MAS PRODUCTIVE KA PA……..HAHAHAHAHAHA………..DYUDING!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  2. panira lang yan sa gma eh, bat di pa kasi yan lumipat kasama ni mac. dami-daming mas matitinong umarte sa gma, puro yan ang pinapaboran, eh bano naman. sabagay, sinong network nga ba naman pipirata sa butangerang yan lol

  3. si mr?! magaling umarte?!!!!! ah oo naman – pag ang role eh SQUATTER, PALENGKERA, JOLOGS, BOBA, POK-POK – yun, galing nya talaga umarte, NATURAL NA NATURAL!!!!!!!!!!!!!!

  4. wag kang impokrita mac alejandre! anong pinagsasabi mong security at growth ang dahilan ng paglipat mo? tanga it’s all about the money! ingrata kang alejandre ka eh security makakakuha ka sa gma7 at growth, pwede ka namang magrequest ng ibang challenging na show! istupida masyado alejandre! imagine naman, from amaya to nandito ako? hahahaha! yan ba ang sinasabi mong growth? please give me a damn break! hahahaha! at wag na wag mong sasabihin na dahil rin sa directoral contract, pwd ka namang magrequest sa gma7 eh 12years ka na rin sa kanila! AGAIN, huwag ingrata at impokrita mac alejandro, it’s all about the huge money girl!

  5. Kbatch ko sa dlsud c marian gracia. Yun real nmn nya nsa likod ko sya sa pila at ng usap p kmi bout our courses. Bait sya, at tlgang mganda yan, perfect ang ilong, di mshado mtngkad, payat mputi at balbon, ganda sya.

  6. MAGANDA TALAGA, SEXY AT MAGALING UMARTE SI MARIAN THE NUMBER ONE!!!!!!!!!!!!!!UNLIKE SINA ANGHIT POKSIN, KIM VANG CAY, SG PANGO AT ANNE BLAND MGA WALANG PANAMA LAHAT NG KAPANGITYA STARIRAYS………..HAHAHAHAHAHAHA

  7. @joc927, salamat. kaya pala ganda ng mukha niya kasi yong mga taga spain ang ganda ng mukha nila, hindi sila masyadong maputi kagaya sa mga american, fair ang complexion nila pero katamtaman lang. Yong mixture din ng german at filipina, ganda rin ang resulta.

  8. I’m not Marian’s fan pero nagandahan talaga ako sa mukha nya. Ano bang foreign blood itong si Marian, American ba or French?

Leave a Reply

Your email address will not be published.